Advertisers
Ni WALLY PERALTA
TILA sinusulit talaga ni Lovi Poe ang kanyang bakasyon sa States kasama ang boypren na si Monty Blencowe.
Last April pa umalis ng bansa si Lovi para magbakasyon sa States at tinapos na muna niya ang lock-in taping ng “Owe My Love” nila ni Benjamin Alves.
Bago umalis ng Pinas ay nagkaroon ng isyu si Lovi na may kaugnayan sa kanyang pagiging exclusive contract sa Kapuso Network. Nagtapos na kasi ang kanyang kontrata sa naturang estasyon at napabalitang mag-oober da bakod na raw si Lovi sa Kapamilya Network.
Wala man tuwirang tugon mula kay Lovi ay tila nagpahiwatig ang aktres na mananatili pa rin siyang Kapuso sa pamamagitan ng pag-appear sa isang video dedication for GMA Network’s 71st anniversary.
Dito ay sinabi ng aktres na ang kanyang affiliation with the said network will remain.
“Anumang pagbabago ang dumating, makakaasa kayong mananatili kaming tapat sa aming hangarin na mas lalo kayong paglingkuran. Happy 71 years sa atin, mga Kapuso!” say ni Lovi sa kanyang pagbati.
Sa muling pagbabalik-Pinas ni Lovi ay sasabak na agad ang byuti niya sa isang pelikula na makakasama niya ang aktor na si Carlo Aquino, at ang naturang movie ay kukunan pa sa Ilocos Norte.
“I’m so excited to head back to work. I’ll start shooting ulit and I’m looking forward to that. So excited also na makabalik sa Ilocos Norte,” say ni Lovi.
***
ANG haba-haba talaga ng hair ni Kyline Alcantara, mula sa Kapuso Network hanggang sa bakuran ng Kapamilya Network. Marami kasi ang kinilig nang makita ang socmed ni Mavy Legaspi na may larawan ng pisngi ng isang babae at nilagyan niya ito ng caption na “Her. Her smile. Her dimples. Yup, that’s the post.”
Marami ang humula na ang babaeng tinutukoy ni Mavy na inspirasyon niya ngayon ay si Kyline.
At nang kunin naman ang saloobin ni Kyline hinggil sa palipad hangin sa kanya ni Mavy,
“I don’t know. Hindi ko alam d’yan kay Mav. Hindi, may iba, e. May Jose Manalo, e, may mga Alden Richards,” say ni Kyline.
At siguradong pagpipistahan ng mga fans ang pagiging loveteam ng dalawa dahil na rin sa may bago silang project na gagawin na magkasama, ang “I Left My Heart In Sorsogon” kasama sina Heart Evangelista, Richard Yap at Paolo Contis.
Excited na ang dalawa sa kanilang pagtatambalan na serye at sa magiging lock in taping sa Sorsogon.