Juday at Angel, kapwa tigbak na sa ere ang mga show; Nadine alay sa old gays ang kita sa virtual concert
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KASADO na tru virtual online ang gagawing concert ni Nadine Lustre at gusto niyang ialay ang kikitain nito sa non-profit organization na Home for the Golden Gays na itinatag pa ni Justo Justo.
Simula nang magkaroon ng pandemya ay isa ang mga drag queens community sa naapektuhan.
As in, namatay ang kanilang pagkakakitaan dahil sarado pa halos lahat ng performance venues.
Dahil salat sa budget ang mga old gays ay nakaisip si Nadine na bumuo ng benefit concert para sa LGBTQIA+ community.
Ikinatuwa naman ng members ng LGNTQIA+ ang proyekto na ito ni Nadine.
Tila ito na nga raw ang the best project in her life ni Nadine na nagawa nito dahil halos lahat ng malilikom na kikitain ng concert ay mapupunta sa Home for the Golden Gays.
Marami namang netizens ang gustong sumuporta sa pagtulong na ito ni Nadine na idadaan niya sa konsiyerto.
Wish ng kanyang followers na ma-watch na ang kanilang idol sa isang serye at sa concert ni Nadine sure na susuportahan nila ang kanilang idol.
***
NAG-post sa kanyang socmed si Judy Ann Santos na ‘hanggang sa muli’ na nagpahiwatig na rin ito ng pagbabu sa ere.
Nagbabu na kasi ang kanyang Paano Kita Mapapasalamatan at nagkaroon pa sila ng groupie pics na ipinost pa ni Juday at ang mister nitong direktor ng PKM simula nang nagsimula ito na si Ryan Agoncillo na ang nagdirek.
Nagbabu na rin ang Iba Yan! ni Angel Locsin na nag-last episode na pinasalamatan din ang fiance director na si Neil Arce.
Nag-post din ito sa kanyang socmed ng ‘ see you soon’ na naging fave show sa kasagsagan ng pandemya. Ito na nga raw ang time ngayon na ‘di na busy si Angel ay mahaharap na nitong magpaseksi ngayong wala na ang kanyang Iba Yan!
Well, well, well…’Yun na!