Advertisers

Advertisers

‘Honey Bakuna’, tawag ni Isko kay Honey dahil sa tagumpay ng mass vaccination program ng Maynila

0 291

Advertisers

PINURI ni Manila Mayor Isko Moreno ang lahat ng hakbang na ginawa ni Vice Mayor Honey Lacuna at sinabi pa na lagpas na sa katungkulan nito ang kanyang ginagawa bilang bise alkalde para lamang makatulong sa mass vaccination program ng lungsod.

Sinabi pa ni Moreno na si Lacuna ay tinawag niya bilang ‘Honey Bakuna’ dahil sa kanyang papel na ginagampanan sa mabilis na pagbabakunang ginagawa sa mga residente ng lungsod. Sa kasalukuyang ay may mahigit ng 400,000 ang nabakunahan sa lungsod nang magsimula ito noong Marso.

“It’s been four months that your vice mayor had been doing not only her part as Vice Mayor and Presiding Officer of the Manila City Council. She also went out of her comfort zone to continue participating in the city’s vaccination drive to reach as many as possible, to vaccinate as soon as possible and as efficient as possible because we believe that vaccination is the solution,” sabi ni Moreno.



Ayon kay Moreno, ang pamahalaang lungsod ay nagsasagawa ng mabilis na proseso ng pagbabakuna sa ilalim ng pangangasiwa ni Lacuna at ni Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan.

Sa bawat araw ng pagbabakuna, nagbubukas ang may 22 vaccination sites na binubuo ng mga pampublikong paaralan, malls at barangay covered courts. Ang pinakahuling record na naitala na bilang ng mga nabakunahan ay mahigit 35,000 sa loob ng 14-oras na operasyon.

Samantala, sinabi ni Moreno na hinihintay na lamang ng pamahalaang lungsod ang kailangang certificate of analysis mula sa Food and Drug Administration (FDA) bago ilunsad ang mas malawak na vaccination drive.

Matatandaan na noong June 24, sinalubong nina Moreno at Lacuna sa NAIA Terminal 2 ang pagdating ng 400,000 doses ng Sinovac na binili ng lungsod at ito ay makakasapat sa 200,000 residente.

Sinabi pa ni Moreno na limang araw na silang naghihintay sa nasabing certificate.



Sinabi pa ng alkalde na patuloy nila lalabanan ang coronavirus hanggat may nananatiling kaso, kahit pa kakaunti na ito.

“Isang impeksyon lang me problema tayo kaya di natin dapat ipagkibit ang COVID sa Maynila,” pahayag ni Moreno , sa kabila nang patuloy na pagbaba ng kaso sa lungsod sa kasalukuyan.

Sa kasalukuyan, ang lungsod ay may 870 beds sa quarantine facilities; 471 COVID beds sa six city-run hospitals at 344 sa field hospital. (ANDI GARCIA)