Advertisers

Advertisers

LA Clippers buhay pa nasilat ang Suns sa Game 5 ng West finals

0 204

Advertisers

KINALSUHAN ng Los Angeles Clippers na agad na umusad sa NBA Finals ang Phoenix Suns matapos na masilat nila sa Game 5 ng best-of-seven finals 116-102.

Sa kabila nito abanse pa rin ang Suns (3-2) sa Western Conference finals at isa na lamang ang kailangan na panalo para sa pinakamimithing championship.

Doble kayod ang ginawa ng veteran na si Paul George na nagtala ng double double performance gamit ang 41 pts at 13 rebounds para sa Clippers lalo na at hindi pa rin pupuwedeng maglaro si two-time Finals MVP Kawhi Leonard at center Ivica Zubac.



Malaking tulong din naman ang ginawa ni Marcus Morris Sr. na dating naglalaro sa Phoenix na nag-ambag ng 22 points sa pamamagitan ng 9-of-16 shooting.

Muling babalik ang serye sa LA sa Game 6 sa araw ng Huwebes.

Samantala sa panig ng Suns nasayang ang ginawa ni Devin Booker na may 31 points, maging si Chris Paul na nagposte ng 22 points at eight assists at si Deandre Ayton na nagtapos ng 10 points at 11 rebounds.