Advertisers

Advertisers

MGA BASTOS SA BAYAN NI JUAN

0 243

Advertisers

SINO ang mas bastos? Iyong buhay pa ang tao ay minumura, inaalipusta at hinahangad nang mamatay ang kinamumuhian nila o iyong patay na ay minumura pa at dinuduraan dahil sa laki ng kasalanan noong buhay pa at makapangyarihan?

Sa bayan ni Juan, may mga taong sakim sa kapangyarihan lalo na noong sila pa ang nasa pamunuan.

Dahil di matanggap ng mga nawala sa poder ang naging pinuno ng bayan ni Juan, hindi sila kailanman nakiisa sa administrasyon magmula noong day one hanggang sa papalapit nang matapos ang termino ng nasa trono,



Ang mga kritikong ito ay hindi tumitigil hanggat di nila mapabagsak ang liderato. Kung anu-ano ang ibinintang tulad ng pagiging berdugo umano, matanda at malapit nang mamatay dahil sa iniindang karamdamang ayaw lang isapubliko anila.

Kung anu-ano pang kabastusan ang ipinupukol sa pinuno upang sila na ang maupo muli sa trono.

Tulong-tulong lahat ng oposisyong dilaw,pula at pati puti upang gawin ang maitim nilang balak na ibagsak ang ama ng bayan ni Juan kasapakat ang mga bastos na biased media na pag-aari ng mga oligarkong muhi sa sariling kalahi.

Pero nangyari ang di inaasahan,pumanaw ang namuno sa bayan ni Juan pero nasadlak ang sambayanan.

Sabi nila kapag patay ang ang isang nilalang ay matik nang natapos na rin ang kasalanan nito sa lupa. Pero ang kanyang pagpanaw ay ginagamit muli ng mga ipokrito para sa sarili nilang kapakanang politikal tulad ng ginawa nilang dalawang beses na noon na napaniwala ang bayan sa kanilang kaipokrituhan.



Sa pakiki-komplut ng biased na media ay pilit na pinababango ang patay na at sinasabing dakila ang kanyang administrasyon noon na labis na sinakyan ng mga kapartido niyang paepal para mapansin sa 2022.

Dahil sa panahon na ng social media, di na umubra ang kanilang dramang gamit ang kamatayan ng kanilang kakulay upang makakuha muli ng simpatiya para madanggoy uli at maisusulong na naman nilang pag-aaklas ng masa na hindi na mangyayari at asa ka pa.

React din ang mga kumag dahil sa mga maanghang na salita mula sa netizens na di mapigil na mamura sa galit ang pamunuan . Ayon sa mga ipokritong oposisyon, sobrang kabastusan na raw iyon sa patay at dapat daw ang parusahan ang mga di makapagpipigil na natuwa sa isang kamatayan na siya namang ginawang pain ng oposisyon upang magtagumpay sila sa propaganda at kalaunan ay mabawi na ang tronong pinagpapasaan nila noon. NEVER AGAIN.. sino ang mas bastos mga kabayan ni Juan? kayo na humusga mga kababayan.ABANGAN!

LOWCUT: Shoutout sa ating mga kalingkod, kakorner at kaisport diyan sa Barangay Bagong Silang,Caloocan City. Kay Kapitan Joel S. Bacolod at Konsehala Leah Bacolod.Kay PWDO Dept. Chief Maria Susana Laganzo at mga maasahang staffs na sina Editha Gadingan,Emelina Casi,Lolita dela Rosa#Team JB# LB Cares, MITOHETPO I-A Tanod founder Albert Ferrer at AM FM Aksiyon Malasakit..MABUHAY BAGONG SILANG!