Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MARAMI ang pinakilig nina Cassy Legaspi at Joaquin “JD” Domagoso sa First Yaya.
Marami ngang tagasubaybay ng serye at tagahanga ng dalawang youngstars ang umaasang maging sila sa totoong buhay, tutal naman ay bagay sila, isang maganda at isang guwapo.
At pareho silang showbiz royalty dahil anak si Cassy nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi at si JD naman ay anak ni Manila City Mayor Isko Moreno.
At dahil malayo ang narating ng First Yaya pagdating sa ratings at popularity, sina Cassy at JD, hanggang saan nakarating ang kanilang loveteam?
“Well for me I’m really thankful din sa First Yaya because I got to be close with everybody here,” umpisang pahayag ni Cassy.
“And kami ni JD kasi, Mavy was friends with him before and I met JD, mga 2018 yun,” pagtukoy ni Cassy kina Joaquin na JD ang palayaw at twin brother ni Cassy na si Mavy Legaspi.
“That was around 2018, tapos naging friends na kami.
“We started off as friends and iyon nga po, dahil sa First Yaya we got closer and naging close friends. Closer friends,” tumatawang sinabi ni Cassy.
Acting-wise, bilang una niyang pagsabak sa isang serye ang First Yaya sa GMA, ano ang naging improvement ni Cassy sa pag-arte bilang isang artista?
“Ako kasi po, nag-acting workshop po ako before this show and it’s really different once you actually do the work, once you actually do the serye, so I really learned a lot po.
“I learned how to relax on set, huwag masyadong mag-overthink ng lines ko, and just to really study my character.”
Marami rin daw naitulong kay Cassy ang direktor ng First Yaya na si LA Madridejos.
“So direk LA, thank you so much! You helped me so much.”
Pinasalamatan din ni Cassy ang co-stars niya sa kanilang serye na magtatapos na sa Biyernes, July 2 tulad ng kanyang mga kapwa “deer” na term of endearment nila sa bawat isa nina Sanya Lopez, Maxine Medina, Kakai Bautista, Cai Cortez at Thia Thomalia.
“They always tell me to relax lang, kaya mo yan, just know your character by heart.
“And siyempre I also wanna thank JD ‘coz I know na pareho kaming bago lang sa teleserye world and yet we’re still able to help each other.
“So ayun, I learned a lot from everybody.”
Kapansin-pansin din ang pagpayat ni Cassy kahit na palagi siyang binibigyan ng maraming pagkain ni JD during their lock-in taping ng First Yaya.
“Nagda-diet po ako pero salamat sa effort, JD,” at tumawa si Cassy.
***
MAGTATAPOS na ngayong Biyernes, July 2 ang First Yaya sa GMA; pinagbibidahan ito nina Sanya Lopez bilang Melody at Gabby Concepcion bilang Glenn.
Primera kontrabida naman sa top-rating GMA series si Maxine Medina bilang si Lorraine.
At dahil si Maxine ay isang beauty queen, naitanong kay Maxine kung sa palagay niya ay may “K”o karapatan si Sanya na maging isang beauty queen.
“Naku, tinatanong pa ba yan? Tanungin natin si Sanya,” at tumawa si Maxine.
“Pero alam nyo, puwedeng-puwede siyang sumali, if she wants to.”
May mensahe pa si Maxine para kay Sanya kung sakaling magdesisyon nga itong sumali sa anumang beauty pageant.
“Nandito kami for you, Sans, if you want to join, nandito kami ni Thia to back you up.”
Si Maxine ay nanalong Binibining Pilipinas-Universe 2016; siya ang kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2016 na ginanap sa Mall Of Asia Arena dito sa Pilipinas na ang kinoronahan ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach ay si Iris Mittenaere ng France.
Si Thia na co-star din nila sa First Yaya (bilang Presidential Security Group member na si Val) ay beauty title-holder din bilang Miss Eco International 2018.