Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PROUD si Pancho Magno sa masaya at magandang samahan nila ng buong First Yaya team.
“Everyday pinag-uusapan namin lalo na ngayon, kung kailan kami magkikita ulit, so we always make sure na may plan kami na makapag-bond kami.
“So iyon lang, siguro nabago siyempre mas naging prepared na kami sa lock-in, mas trained na kami to be more safe in what we do to be more secure.”
Kasi naman nga ay hindi lamang para sa sarili nila ang kanilang ibayong pag-iingat kundi higit lalo para sa kani-kanilang pamilya.
“I’m so, hindi lang lucky, I’m so blessed to be around these, sobra yung puso ng mga taong nakasama ko sa First Yaya, wala akong masabi talaga.
“So I’m thankful din, to the directors, to the whole staff, sa lahat.
“Sabi nga nila teamwork makes the dream works so it’s all about teamwork,” nakangiting pahayag pa ni Pancho.
Dagdag pa ni Pancho…
“Abangan nila yung finale, and kung ano pang mangyayari sa next chapter ng lahat ng characters na nandito ngayon, lahat ng bumubuo ng First Yaya, with our directors, basta sa lahat, super-excited kung ano’ng magiging kalalabasan, kung ano’ng magiging reaction ng mga tao sa finale week namin, doon kami nae-excite, honestly.”
Ngayong alas otso ng gabi ang finale episode ng First Yaya sa GMA.
Gumanap si Pancho bilang Presidential Securty Group member na si Conrad sa First Yaya na pinagbidahan naman nina Sanya Lopez bilang Melody at Gabby Concepcion bilang si Glenn.
***
19 years na ang Wish Ko Lang! at sa loob ng halos dalawang dekada, marami na rin itong pangarap na tinulungang matupad. At sa gitna ng pandemya, patuloy ang programa ni Vicky Morales sa pagbibigay ng pag-asa sa bawat Pilipino.
Bilang treat sa loyal viewers, isang month-long anniversary special ang handog ng Wish na pagbibidahan ng mga naglalakihang artista.
Una na rito ang bagong Kapuso na si Pokwang na bibida sa episode ngayong July 3 kasama sina Jeric Gonzales, Arra San Agustin, Jennie Gabriel, at Bench Hipolito.
Sa kuwentong “Ang Forever ni Miss Virgie,” isang dedicated Filipino teacher na nagngangalang Virgie ang gagampanang karakter ni Pokwang. Dahil sa kabusy-han, hindi na nakapag-asawa si Virgie. Pero hindi niya aakalaing sa 25th anniversary ng kanilang paaralan, makikita niya ang isa sa mga dati niyang estudyante na si Joshua (Jeric) na mahuhulog ang loob sa kanya at magiging manliligaw niya. Hahadlangan naman ng ex-girlfriend ni Joshua na si Pauline (Arra), na dati ring estudyante ni Virgie, ang namumuong pagtitinginan ng dalawa.
Bukod kay Pokwang, dapat ding abangan ang iba pang bigating guest stars sa 19th anniversary ng bagong ‘Wish Ko Lang,’ tulad nina Christopher de Leon, Albert Martinez, Rhian Ramos, at Sanya Lopez.
Mapapanood ang ‘Wish Ko Lang’ tuwing Sabado, 4 p.m. sa GMA Network.
***
GAGANAP bilang mag-ama sa Magpakailanman ngayong Sabado sina Miguel Tanfelix at Cris Villanueva.
Ikinuwento ng dalawang aktor ang kanilang mga role sa naturang episode.
“Ako si Jeremy, tapos pinabayaan ako ng mga magulang ko. May nag-ampon sa akin na bading. Siya ang magpapalaki sa akin. Una hindi ko matanggap, at doon iikot ang istorya,” pagbabahagi ni Miguel.
Ayon naman kay Cris, “Ang role ko dito ay si Pepito. Isa akong kakaibang ama. Ako ‘yung ama na mayroong parlor, ako ang mismong nagpa-parlor. Kumbaga hindi ako tunay na lalake. Nagkaroon ako ng minahal na anak.”
Kasama rin nila dito sina Mel Martinez, Leandro Baldemor, Prince Villanueva at Joshua Jacobe.
May pamagat na Ang Pagmamahal Ng Isang Amang… Beki: The Jeremy Sabido Story, ito ay sa direksyon ni Neal del Rosario at mapapanood ngayong Sabado sa GMA, 8pm.