Advertisers
NASAMSAM ang tinatayang nasa P1.3 million halaga ng shabu sa naarestong dalawang babaeng tulak sa Pateros.
Kinilala ang mga nadakip na sina Sara Mendoza, 23 anyos, estudyante, ng Barangay Malinao, Pasig City; at Angelica Cabrias, 29, ng Mayonga, Pasig City.
Sa report, matapos isailalim sa surveillance, nagkasa ng anti illegal drugs operation ang operatiba ng Regional Intelligence Division-Regional Drug Enforcement Unit. Isang knot tied transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at pitong medium heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu ang nakuha sa dalawa.