Cristine ‘waging Best Actress sa Portugal Filmfest; Willie tuloy na sa pagtakbong senador sa kampo ni Digong
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
LABIS na kalungkutan ang nadarama ng followers ng programa ni Willie Revillame na Wowowin dahil pag natuloy na ito sa pulitika ay mawawala na rin ang kanyang programa.
Mami-miss nga raw ng viewers ang pagbibigay nito araw-araw ng sampung libo.
Para naman sa mga tagasubaybay ng programa ni Kuya Will, naging kaaagapay nila ang nasabing programa noong kasagsagan ng pandemya.
Tunay na malaking tulong sa mga kababayan nating mahihirap.
Kinausap at kinumbinsi na nga ni PDuterte si Willie para tumakbong senador sa 2022 mula sa tiket ng Presidente.
May mga netizens na nagsasabi at pinipigil si Kuya Will na lumahok sa pulitika.
Pero tila buo na ang pagpapasiya at desisyon nito na tumakbo sa 2022 bilang senador.
Dagdag sitsit ng netizens na puwede naman daw tumulong si Willie kahit wala itong titulo sa ulo at kahit hindi na ito sumabak sa pulitika sa 2022.
As in, buo na nga raw sa desisyon nito ang pagtakbo sa pagka-senador sa susunod na taon nga raw maging masuwerte.
Kahit harangan pa ng sibat ay talagang go sa paglahok ni Willie sa pulitika. Wish ng netizens na huwag magbago si Willie kahit nasa bago na niyang mundo na kanyang tatahakin.
***
HINDI naman inaasahan ni Cristine Reyes na siya ang tatanghalin na Best Actress sa 40th Oporto Film Festival na ginanap sa Porto, Portugal noong kasagsagan ng pandemya March 2020.
Napansin ang akting ni Cristine sa isang thriller film na may titulong Untrue kasama si Xian Lim na ipinalabas noong 2019.
Niyaya pa nga si Cristine dahil nominated ito pero feeling naman nito ay hindi siya mananalo.
At ang director na nga lang nito ang umapir sa nasabing event.
Hindi nga expected ni Cristine na makokopo nito ang pagka-Best Actress at International pa.
At ito nga ang kauna-unahang Best Actress award na nakuha nito.
Kaya walang pagsidlan ng tuwa si Cristine nang malaman nito na siya pala ang Best Actress at pinatumba ang lahat ng aktres sa Europe na kanyang nakalaban.
Bonggacious! Well, well, well…’Yun na!