Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
ISA sa masusuwerteng sexy model si Kim Domingo na nagsimula sa pagpo-post sa mga sexy magazine at nabigyan ng pagkakataong maging ganap na comedienne.
Ayon kay Kim, nagpapasalamat siya sa GMA 7 at sa Bubble Gang barkada na tinanggap siya nang buong pagmamahal. Ipinadama sa kanya na hindi siya baguhan sa cast ng BG.
“Ang sarap ng pakiramdam na lahat ng mga kasama mo sa gag show ay itinuring ka agad na kapamilya. Hindi ko naramdaman na isa akong bagong salta sa grupo,” say ni Kim
Kung dati ay puro mga barako at kalalakihan ang kanyang followers, ngayon ay may mga kabataan na rin na laging sumusubaybay sa pagpapatawa niya sa Bubble Gang kasama nina Valeen Montenegro, Michael V, Paolo Contis, Boy 2 Quizon atbp na napapanood every Friday, at 10:20 pm sa GMA 7.
Gustung-gusto na ni Kim mag-taping ng BG at malapit na itong mangyari. Kapag fully vaccinated na siya ay balik taping na silang BG barkada.
Magmula nang magsimula ang pandemic sa bansa ay nasa bahay lang daw siya at hindi siya naglalabas dahil sa takot na magka-Covid-19.
Samantalang natawa at hindi na lang pinapansin ni Kim ang naglabasan na pinopormahan siya ng isang bagets actor.
“Walang katotohanan po yung naglabasan na nililigawan ako ng isang bagets actor. Grabe pa ay magdyowa na raw kami ng actor. Wala po sa isip ko muna ang magka-boyfriend,” say ni Kim.
***
“ENTERTAINING” ang naging tugon nina Jennylyn Mercado at Paolo Contis nang kumustahin ang taping nila ng Daig Kayo ng Lola Ko.
Sina Jen at Paolo ang bibida sa all new episode ng children`s fantasy TV series na gaganap sila bilang sina Angel at Migs sa istorya na Last People on Earth.
Sa ipinadala nilang pahayag sa GMA ay nagpasalamat at masaya sila dahil sa kanila ibinigay ang proyekto.
“Basta expect nila na mapapangiti sila while watching. Sa hirap ng buhay ngayon, minsan kailangan mo talagang malibang sa mga pinapanood mo at isang halimbawa ng episode namin ito,” say ni Jen.
Kaagad naman itong sinegundahan ni Paolo.
Ayon na pa rin kina Jen at Paolo ay naging napakagaan ng kanilang pagtatrabaho kahit na sa gubat kinunan ang karamihan ng kanilang eksena.
Ayon naman kay Paoio, hindi ganun kalaki ang adjustment kahit outdoor ang location nila, Since, tuluy-tuloy naman ang trabaho niya kahit may pandemya.
Tamang-tama naman kay Paolo ipinagkatiwala ang children`s fantasy TV series dahil napapanood na siya sa Bubble Gang na nagdudulot ng kaligayahan sa lahat ng manonood, bata, matanda at kahit ano pang kasarian.