Isa pang anggulo… Kylie maluho at nagpapaligaw sa iba kaya hiniwalayan ni Aljur; Diego nahawa ng Covid sa dyowang si Barbie
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HALOS lahat ng cast ng Magandang Umaga ay inatake ng Covid-19 at isa si Barbie Imperial sa minalas na nagkasakit sa kanilang lock in taping.
Hindi nakaligtas si Barbie kaya nung suriin ay lumabas na positive ito sa killer virus.
Dahil dun ay ang bf na si Diego Loyzaga ang nagbantay sa gf. Hindi nila alam na may Covid na pala sila at kahit nga si Diego ay nagpositibo na rin.
Pero dahil malakas ang resistensya ay mabilis naman itong naka-recover sa virus. Ganun na rin si Barbie na okey na ang kondisyon sa ngayon.
Kaya naman pinag-iingat ni Diego ang netizens na huwag balewalain ang killer virus.
Sundin pa rin daw ang mga health protocol na ipinatutupad ng pamahalaan ayon pa kay Diego.
***
MARIING pinabulaanan ni Kylie Padilla na dawit si JM De Guzman sa kanilang split-up ni Aljur Abrenica.
May sitsit kasi na laging nagme-message sa kanya si JM na nahuli raw ni Aljur.
Pero sa panayam kay Robin Padilla sa isang vlog, ang sumbong daw ni Kylie ay nahuli nga raw nito ang hubby sa kanyang pagtsi-cheat sa kanya.
Tatlong girlash ang na-link sa hubby ni Kylie pero wala pa rin pag-amin si Aljur dito.
Sa tatlo ay nadiin si Erin Ocampo na talagang naugnay kay Aljur pero tahimik pa rin ang aktor.
May isa pang anggulo na mga sitsit na dahilan din daw ng paghihiwalay ng couple ay ang pagiging maluho raw ni Kylie na ‘di carry ni Aljur.
Dagdag na tsika ay nagpapaligaw pa raw hanggang ngayon si Kylie, true ba etech!?
Pero nilinaw ni Kylie na walang katotohanan ang pagli-link sa kanya kay JM na siyang itinuturong third party.
Hmmmp!? Well, well, well…’Yun na!