Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
HINDI pa nga nakaka-get over si Marion Aunor sa nangangamoy blockbuster na “Revirginized” ni Sharon Cuneta na kasama siya sa cast at umabot na sa 10 million views ang full trailer ng kanilang movie.
Pinag-uusapan naman ngayon ang latest composition ni Marion na “Unbound” na foreign song ang tunog at pang international ang dating. Sa katunayan ay kinanta nina Concert King Martin Nievera at Morisette ang Unbound sa 75th Filipino American Partnership.
May version na rin ang all-female group na BINI ng kantang ito na kanilang pinerform sa ASAP NATIN ‘TO.
Ang nasabing performance ng BINI para sa komposisyon ni Marion ay mapapanood sa Youtube channel ng ABS-CBN Entertainment and as of July 15 ay humamig na ito ng 144K views. Ang Unbound ay danceable song na ang sarap pakinggan.
Samantala, may bagong project si Marion kay Direk Darryl Yap.
***
THIS December bago mag-Christmas ay narito na sa Pinas ang filmmaker at movie producer na si Direk Reyno Oposa na magso-shoot ng kauna-unahang pagbibidahang pelikula na “Lahi Ni Mang Kanor.
Para kay Direk ay malaking challenge sa kanyang pagiging director at the same time ang mag-portray na bida sa sariling movie sa ilalim ng kanyang Ros Film Productions. Before kasi ay ang magdirek ng kanilang mga project sa sariling movie outfit lang ang ginagawa ni Direk Reyno pero ngayon ay aarte na siya.
Well, may experience naman sa acting ang kaibigan naming director at nakagawa nga siya ng isang short film na kinunan pa sa Canada at Canadian director ang nagdirek sa kanya rito. Gusto pa lang isama ni Direk Reyno si Natasha Ledesma na kilalang sexy star noon sa Seiko Films at pwede niyang gawing leading lady si Natasha sa Lahi Ni Mang Kanor. Active sa social media si Natasha at pina-follow lagi siya ni Direk Reyno.