Advertisers

Advertisers

Nadala kay Derek… Andrea kikilatisin na nang husto ang susunod na boypren

0 260

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KUNG nitong mga nagdaang buwan ay chillax lang si Andrea Torres sa pagsagot ng anumang tungkol sa kanyang ex-boypren, ngayon ay game  na si Andrea sagutin ang mga katanungan hinggil sa kanyang lovelife, past and present status.

Nang kumustahin si Andrea tungkol sa kanyang nararamdaman ngayon para kay Derek Ramsay na nakipaghiwalay sa kanya thru phone at agad nakakuha ng kanyang kapalit, si Ellen Adarna, ay agad naman niya itong sinagot.



Ani Andrea, past is past and hindi naman daw siya nagtatanin ng galit sa kanyang puso at tulad ng dati ay laging positibo ang kanyang pananaw sa buhay.

“Everyday naman, magaan naman akong gumigising dahil wala akong tinatanim na anything sa kahit na sino,” lahad n’ya sa press. “Part ng pagiging positive na wala kang grudges o wala kang iniisip na masama sa ibang tao.”

Kahit naman open na si Andrea sa panibagong relasyon ay hindi naman daw nangangahulugan na grab agad siya ng boypren para masabing may bago na siyang karelasyon. And by this time ay kikilatisin na niya to the max ang susunod na magiging boypren.

“Feeling ko naman po meron na akong idea sa kung ano ‘yong taong gusto ko,” natatawang lahad n’ya. “Pero minsan, ‘di ba, hindi mo naman makukuha ‘yong eksaktong nasa isip mo. Pero I think meron na akong idea kung ano ‘yong magiging perfect partner for me pang habangbuhay.”

At ang isa sa gusto niyang maging karelasyon ay yung walang sabit at wala siyang kahati sa guy, kahit pa sabihin na ang bagong serye niyang ipalalabas na sa Kapuso Network, ang ‘Legal Wives’ kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali, ay isa siyang asawang may kasalo ibang babae sa mister na isang Muslim.



***

KAHIT masasabing isang baguhan lang sa industriya si Kokoy de Santos ay di naman matatawaran ang kanyang acting talent pagdating sa dramahan at mga daring role.

May nagawa na rin siyang isang proyekto na hinangaan in ang kanyang galing sa pagpapatawa, ang ‘Stay-In Love’ na pinagbidahan nila ni Maris Racal sa TV5 taong 2020.

Ngayon nga ay kasama siya sa ‘Pepito Manaloto: Ang Unang Kwento’ na prequel series ng kapareho nitong title na pinagbibidahan nina Michael V at Manilyn Reynes sa Kapuso Network. Role ng batang si Patricio “Patrick” Generoso, ang matalik na kaibigan ni Michael V na ginampanan naman  ni John Feir.

Sa naturang prequel, kinakailangan halos magaya ni Kokoy ang galawan at pagpapatawa ni John noong bata pa ito, at isa itong malaking hamon para sa young actor. Aminado naman si Kokoy na nangangapa pa siya sa kanyang bagong role, lalo pa isa itong comedy.

“’Yong humor siguro ibang-iba. Dito kasi ang challenge sa akin, ako kasi, bilang Kokoy, ang alam ko kasing comedy medyo iba, medyo makalat so hindi s’ya p’wede sa TV. ’Yon po siguro ’yong napakalaking adjustment para sa akin, ‘yong humor and very refreshing sa akin ‘yong pagganap ko dito,” saad ni Kokoy.

Naging isang malaking tulong daw kay Kokoy ang hilig niya sa panonood ng mga family sitcoms tulad ng ‘Pepito Manaloto’ kaya kahit paano ay nagampanan niya ang kanyang karakter.

“Very fan ako ng ganitong klaseng family sitcom talaga. Ganu’n na talaga ako pag manonood ng series o pelikula gusto ko feel good lang,” sey pa ni Kokoy.