Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
HABANG patuloy na pinaplantsa at pina-finalize ang pupuwestuhan at mga hakbang ni Aiko Melendez sa Quezon City para sa eleksyon sa 2022, isang bagay ang sigurado; ang kasintahan niyang si Jay Khonghun ay tatakbong Congressman sa unang distrito (Olongapo) ng Zambales!
Tinanong namin si Aiko kung bakit nais ng kasintahan niya na tumakbo bilang Congressman.
“Para ipagpatuloy ko ang mga tulong na naumpisahan ng aking ama na si Congressman Jeffrey Khonghun,” ang isinagot sa amin ni Aiko na sagot daw ni Vice-governor Jay sa tanong namin.
Tulad ng alam nating lahat, sa kasalukuyan ay nakaupo bilang Bise-Gobernador ng lalawigan ng Zambales si Jay.
At siyempre, bilang girlfriend ay itinanong naman namin kay Aiko kung pabor siya sa naging desisyon ng kanyang kasintahan.
“Pabor ako sa pagtakbo niya for congress,” umpisang pahayag ni Aiko.
“Kasi I can’t see anyone fit and ready for that position but him, in terms of credentials and all. Jay is ready to take the responsiblity na naumpisahan ng kanyang ama.”
“Unang termino ni Jay bilang Vice-governor ng Zambales, at huling termino naman ito ng kanyang ama bilang Congressman sa unang distrito ng Zambales.
“Since last term na ng dad niya, siya ang may pinaka-okay na track record to run for the position na iiwan ng dad niya.
“With the experience na 9 years na mayor siya tapos nag- Legislative din siya as Vice-governor so hinog na si Jay to be a congressman.
“He also became a Board Member which is a legislative branch also,” pahayag pa ni Aiko sa amin.
***
KAKAIBA at mas palaban na Bianca Umali raw ang mapapanood sa much-awaited family drama series ng GMA Network na ‘Legal Wives.’
Bibigyang-buhay ni Bianca sa serye ang karakter ni Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael – ang role ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Pagkukuwento ni Bianca, nakaka-relate raw siya sa ipinakitang katatagan ng kanyang karakter sa kabila ng karahasan na pinagdaan nito. “Nakaka-relate ako sa strength niya – sa strength niya to face the challenges na ibinigay sa kanya. Kasi kahit na wala siyang alam, kahit na hindi niya ini-expect ‘yung mga mangyayari sa kanya, hinarap niya pa rin ‘yun ng buong puso at hindi siya nawala sa sarili niya.”
Isang simpleng college student si Farrah na nag-aaral sa Maynila na magiging biktima ng karahasan ng isa sa kanyang mga kaklase. Ito ang magtutulak sa kanyang amang si Abdul Malik (Bernand Palanca) na ipakasal siya sa matalik na kaibigang si Ismael.
Bukod kay Bianca, gaganap din na mga asawa ni Dennis sa serye sina Alice Dixson at Andrea Torres. Mapapanood na ang natatanging kuwento ng ‘Legal Wives’ sa world premiere nito ngayong July 26 sa GMA Telebabad.
***
GUMAGANAP bilang pilyo at mapang-asar na estudyante ang Kapuso actor na si Jay Arcilla sa prequel ng award-winning at well-loved family sitcom na ‘Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento’ na nagsimula nang umere noong Sabado, July 17.
Kuwento ni Jay sa nakaraang interview, medyo relate raw siya sa kaniyang karakter sa show bilang Eric dahil makulit din siya noong high school.
“Ang characters namin ni Kristoffer [Martin] dito, mga pilyong estudyante kami. Dati, naranasan ko ring mang-asar and naranasan ko rin na ako ‘yung inaasar. Ibang-iba kasi before ‘yung naranasan namin noong 90’s. Pero hindi naman sobrang lala na nakakapag-paiyak ako!”
Napapanood ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento tuwing Sabado, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA.