Advertisers

Advertisers

Alessandra natyansingan at nabosohan si Piolo sa dinirek na pelikula

0 597

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SOBRANG naiinggit ang mga faney kay Alessandra de Rossi dahil ang pinapangarap nilang mahawakan, mayakap at makaniig na si Piolo Pascual ay effortless na nabingwit ng aktres.

Ito ay sa pelikulang pinagtambalan nila sa Netflix na mismong si Alessandra ang sumulat at nagdirek.



Hirit pa nila, nagpasasasa raw at tsinansingan pa ng aktres ang actor.

Dagdag pa rito, hindi pa raw nagkasya sa mega yakap at lambutsing ang award-winning aktres sa kanyang bida dahil may eksena pa sa pelikulang nabosohan nito si Papa P.

Para naman kay Alex, wala raw malisya ang pinag-uusapang mga eksena nila ni Piolo sa pelikula.

Hindi rin daw siya nahirapang idirek ang actor dahil sa totoong buhay ay malapit na kaibigan niya ito.

Nakaka-relate rin daw siya sa tema ng pelikula dahil siya man ay may mga barkadang lalake at platonic relationships with them.



“I have the closest friendships with men. I call them boys, not men, and they treat me like a guy. I treat them like my older brothers, and it’s something that I wanted to share with Filipinos also. A guy and a girl can be friends,” ani Alessandra.

Hirit pa niya, nakuha raw niya ang inspirasyon ng kuwento ng pelikula sa pagkakaibigan mismo ni Piolo at ng kaibigan nitong si Direk Joyce Bernal na isa rin sa mga prodyuser ng pelikula.

“This film was also inspired by me watching him, and Joyce Bernal treat each other like, ‘Come here, kiss me.’ I said, ‘This is so entertaining. My best friend and I are the same. I think I should make a movie,”pahayag niya.

Aniya, pakiramdam daw naman niya ay nag-work ang dynamics nila ni Papa P. sa pelikula.

Ang nasabing Netflix movie ang directorial debut ni Alessandra.