Advertisers
Ni WALLY PERALTA
HALOS dalawang taon din napanood ng kanyang mga fans ang dating pantasya ng bayan na si Kim Domingo.
Simula palang ng pandemya nang nahinto ang galawan sa mundo ng showbiz ay nanahimik ang byuti ni Kim. At kahit na may lock-in taping ang kaisa-isa niyang show sa Kapuso Network, ang ‘Bubble Gang’ ay ‘di nag appear ang byuti ni Kim.
Okey na sana noon na nasa vlogging pa si Kim kahit na di siya napapanood sa naturang comedy show, pero nang sumakabilang buhay ang bespren niya at katuwang sa paggawa ng kanyang mga vlog, pati na sa social media ay nanahimik na rin si Kim, dahil sa dinibdib niya nang husto ang pagkawala ng bespren.
Kaya maraming fans si Kim ang nagtatanong, tuluyan na bang iiwan ng sexy actress ang showbiz?
“Nami-miss ko na mag-taping, nami-miss ko nang mapuyat, na nakaka-miss din talaga kasi. Simula noong may pandemic hindi talaga ako nagtrabaho. Kahit studio hindi talaga eh, talagang ngayon pa lang ako ulit babalik,” ani Kim.
But wait there’s more, pati ba sa pagpapaseksi babalik na rin si Kim? Bago kasi siya bumalik sa ‘Bubble Gang’ ay may ginawa siyang photoshoot, ibang concept naman ito at tiyak niya raw na magugustuhan ng kanyang mga supporters na nagpakita siya ng kaunting ‘skin’ sa naturang photoshoot.
“Nag-usap-usap lang kami ng team ko na parang, ‘Maiba lang. I-try naman natin ‘yung ganito.’ Dahil bilang ako naman ay may lahi rin na French, sabi niya ‘Bakit hindi tayo mag-ganito, Victorian era, royalty ang peg natin?'” saad pa ni Kim.
***
KRISTOFFER MARTIN AT LIEZEL LOPEZ BREAK NA
TILA sa pagtatapos ng seryeng ginawa nina Kristoffer Martin at Liezel Lopez na “Babawiin Ko Ang Lahat” na naging close at nagkadebelopan sila ay mukhang ‘tapos’ na rin ang sweet moments ng dalawa.
Kung matatandaan ay nitong first quarter ng taon ay inihayag ng dalawa na they’re in relationship. Hindi man naging maingay ang pagmamahalan ng dalawa ay kitang-kita naman sa aura nila na happy in love nga sila kahit napapalibutan ng intriga lalo na sa past relationship ni Kristoffer.
Nabuking ng isang netizen ang hiwalayan blues nang sa isang post ni Liezel ay may nagtanong na kung bakit hindi niya kasama ang dyowang si Kristoffer papuntang Bohol.
Sinagot naman ito ni Liezel na wala na raw sila ni Kristoffer kaya hindi na niya ito nakasama sa Bohol Trip. Nagkataon naman daw nang planuhin nilang dalawa ang trip ay in a relationship pa sila at nang dumating na ang oras ng nasabing trip ay nagkataon naman na naghiwalay ng landas ang dalawa.
Base sa mga pangyayari, masasabing short lived lang ang relasyon nila na tumagal lang yata ng ilang buwan at babu na agad.