Advertisers
Jose Antonio “Ka Pep” Goitia
Secretary-General
Liga Independencia Pilipinas
Ang Kabataan party-list, isang kilalang legal front ng CPP-NPA-NDF na kinilala ng gobyerno bilang isang teroristang organisasyon, ay nagsampa ng kanilang hangaring tumakbo para sa Kongreso sa 2022 National Elections sa ilalim ng pagkukunwaring ipaglalaban ang kalusugan, tulong, trabaho, edukasyon at hustisya.
Dahil dito, hinihimok namin ang Comelec na ipagbawal ang Kabataan party-list na lumahok sa kadahilanang pagrerekrut ng mga estudyante sa mga unibersidad upang maging mga kawal ng New People’s Army. May labis na katibayan na si Sara Elago at ang kanyang pangkat ay aktibong miyembro ng Partido Komunista ng Pilipinas (CPP) batay sa mga patotoo ng mga dating kasapi ng Kabataan party-list at dating mga kadre ng organisasyong kriminal na komunista.
Si Alms Gabin, isa sa mga nagtatag ng Kabataang party-list ay nagpatotoo tungkol sa layuning itulak ang ideolohiya ng CPP-NPA sa sangay ng Pambatasan at sirain ang gobyerno mula sa loob. Ang gawain ni Jade Sinco, dating panlalawigang punong kalihim ng Kabataan Party sa Samar, ay idirekta ang mga samahang kabataan na magrekrut at mangampanya para sa CPP-NPA.
Ang pinakamatinding katibayan ay isang video tungkol sa pagdiwang ng ika-limampung (50th) anibersaryo ng Kabataang Makabayan (KM) noong nakaraang 2014. Ang KM ay isa sa mga nagtatag ng National Democratic Front of the Philippines kasama ang CPP-NPA noong 1973. Matatagpuan ang video sa YouTube sa ilalim ng pamagat na EXPOSED: Mga Pangkat ng Kabataan na Kaakibat ng CPP-NPA.
Ang nakakagulat ay isinagawa ang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo sa University of the Philippines Diliman
Itong video ay nagpapatunay sa ugnayan ng CPP-NPA at mga aktibistang grupo ng kabataan tulad ng Anakbayan, League of Filipino Student, College Editors Guild of the Philippines, National Union of Student in the Philippines, Kabataan Party-list at iba pa.
Isang magarbong pagtatanghal kung saan pinakitang nagdadala ng mga baril ang mga estudyante at umaawit ng mga kantang rebolusyonaryo, dokumentaryo tungkol sa pagkilos ng New People’s Army mula nang magsimula ito, mga iskit na nagtataguyod ng ideolohiyang komunista at pagbagsak ng gobyerno ng Pilipinas. Sa huling bahagi ng video, makikitang hinihikayat ang mga miyembro na magrekrut ng mga kabataan upang sumali sa CPP-NPA.
Gayunpaman, pinagkakaila ng ilang sektor ng lipunan ang karumal-dumal na hangarin ng mga organisasyong kabataan. Ito ang dahilan kung bakit binabalaan ng ating gobyerno ang administrasyon ng University of the Philippines na huwag pabulaanan ang pagkilos ng mga organisasyong ito sa kampus ng mga unibersidad.
Marami na sa ating mga anak ang namatay sa pangalan ng isang bugok at walang kwentang ideolohiya. Sinasakripisyo ang kabataan at ginagamit lamang na kanyon kumpay ng mga taong buktot na ang tanging nais ay kaguluhan at pagwawasak ng ating demokrasya.
Ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas ang karapatang lumahok sa demokratikong proseso ng ating bansa. Gayunpaman, may karapatan tayong gumawa ng aksyon sa pamamagitan ng matinding pagtuligsa sa mga nagsasamantala sa karapatang ito upang sirain ang ating mga institusyon at ang konsepto ng pamilya.
Ang pagrerekrut ng mga estudyante ng Kabataan party-list para sa New People’s Army ay labag sa ating Saligang Batas. Alam na natin ngayon na ang tawag sa pagrekrut ay isang pangakong ginawa sa pagdiriwang ng ika-limampung anibersaryo ng Kabataang Makabayan noong 2014 sa UP Diliman.
Itong kataksilan sa Bayan ay dapat wakasan na. Lahat tayo ay nagdudusa dahil sa mga teknikalidad na nagpapahintulot sa mga terorista na malayang gumala sa bulwagan ng Kongreso.
Hinihiling namin ang ganap na paglipol sa CPP-NPA-NDF.