Advertisers

Advertisers

John Lloyd ‘di natakot malaos nung nagkaanak nang wala sa plano

0 226

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA kauna-unahang podcast ng beteranong broadcast journalist na si Karen Davila, naging panauhin  ang magaling at award-winning actor na si John Lloyd Cruz.

Napag-usapan nila ang tungkol sa pagkakaroon ng anak ng actor sa sexy actress na si Ellen Adarna sa kasagsagan ng kanyang kasikatan.



Kung ang iba kasing actor, matatakot na madiskaril ang kanilang karera dahil sa nangyari, pero iba raw ang naramdaman ni Lloydie.

Katunayan, ito raw ay isang bagay na hindi na rin niya plinano subalit dumating.

Hirit pa niya, nang dumating daw naman ito, hindi naman siya natakot na harapin ang kanyang responsibilidad bilang ama kay Elias.

“Hindi. Tingin ko isang bagay siya na akala mo ready ka because you wanted it. You’re so tough. We like to believe na we are in control. We like that idea na ‘Hindi, it’s my plan. Plinano ko iyan.’ It took me a while para matanggap na akala mo ginusto mo, akala mo plinano mo but in reality, especially ngayon after tatlong taon, iba eh. Hindi eh,” aniya.

Dagdag pa niya, kung hindi rin daw nangyari ang lahat, hindi niya mararamdaman ang bliss of fatherhood.



“And it won’t be as humbling kung ‘Talaga, naplano mo? Paano mong naplano ‘yung ganung bagay?’ Kasi it’s beyond words. Describing being a father especially nung lumabas siya, there is no way na merong tao na naplano ‘yung ganung ka-weird and ka-radical na bagay. That’s a life. Buhay ‘yung lumabas because of your responsibility,” paliwanag niya.

Esplika pa niya, wala rin daw siyang naramdamang takot to the point na gusto niyang i-evade ang kanyang responsibility.

“I didn’t get scared at all. I was scared to admit na parang medyo it’s a little bit too much than what I expected. Pero ‘yun ata ‘yun eh. I think that’s the whole essence of it.”

Ayon pa kay Lloydie,  ang anak niyang si Elias ang pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay.

Marami raw siyang natutunan at patuloy na natututunan dito.

Sey pa niya, perfect timing din daw ang pagdating nito sa kanyang buhay sa panahong naghahanap siya ng bagay na kukumpleto sa kanya.