Advertisers

Advertisers

Nabuhay ang Philippine sports kahit kapos sa pondo

0 273

Advertisers

BUHAY NA BUHAY ngayon ang Philippine sports kahit kapos na kapos sa pondo para sa ating mga atleta.

Yes! Nagbubunyi ngayon ang bansa sa multiple medals na nakuha ng ating mga atleta sa Tokyo Olympics 2020.

Sa 19 athletes na sumabak sa quadrennial games, isa na rito ang nakapag-uwi ng gold medal mula sa weightlifting sa katauhan ng 4-11 na Hidilyn Diaz ng Zamboanga City. Siya ang unang Pinay na nakadakma ng mailap na Gold Medal sa Olympics after 97 years.



Nakasiguro narin ng silver medal ang babaeng boksinge-ro na si Nesthy Petecio ng Davao del Sur. Lalaban siya bukas para sa gold laban sa Japanese warrior na dalawang beses nang tumalo sa kanya sa kanilang unang tatlong paghaharap.

Ang isa pang boksingero na sure narin sa bronze at top contender para sa gold medal ay si Eumir Marcial ng Zamboanga City, na pinabagsak rin sa 1st round ang kalaban nitong Linggo na si Darchinyan ng Armenia, ang world number 5 na bumagsak sa last 49 seconds ng laban.

Sa unang laban ni Marcial sa round-of-16 matapos mag-bye sa unang round ng event, dinispatsa niya ang mas malaking Algerian warrior sa unang 2:41 ng laban. Ang next fight ng Air Force man para sa silver battle ay Aug. 5.

Lalaban naman ngayon para sa bronze si Carlo Paalam na dinispatsa sa kanyang unang dalawang laban ang mga top contender.

Pasok narin sa finals ng pole vault si EJ Obiena na nagpakita ng napakagandang performance, 5.75 meters.



Pasok din sa finals ang ating gymast na si Carlos Yulo, at nasa top 100 ang golfer na si Junvic Pagunsan.

Ito na ang pinakamagandang narating ng Pilipinas sapul nang sumali sa Olympics noong 1924.

Imagine… kahit kapos na kapos at tila pinababayaan ng ating gobyerno ang sports ay nakakuha ang ating mga atleta ng multiple medals sa Olympics na sinasalihan ng mahigit 200 nasyon sa mundo.

Partida pa rito ang nakuhang pangungutya at pambu-bully ng ilang opisyal sa ating mga atleta. Tulad ni Hidilyn Diaz, isinama siya sa matrix ng grupong magpapabagsak daw sa Duterte administration matapos itong mag-post na humihiling ng financial support sa mga pribado dahil wala ngang nakukuhang suporta sa pamahalaan. Ganundin si Eumir Marcial, bash ang inabot sa “DDS” nang mag-post sa social media ng paghingi ng financial support para sa kanyang training sa Olympics.

Ang sumuporta sa mga atletang sumabak sa Olympics ay mga private corporation tulad ng Chooks To Go at MVP Sports Foundation.

Ngayon, nagkakandarapa ang mga opisyal ng administrasyon pati politiko sa pagbati at pagpuri sa ating medalists. “Let bygones be bygones” nalang daw. Yawa!

Siguro kung may sapat na suporta ang Philippines gov’t. sa sports tiyak lahat ng atleta natin ay mag-uuwi ng karangalan sa anumang international competitions, titingalain tayo sa mundo ng sports kahit maliit na bansa lamang. Mismo!

Sa mga panalong ito ng ating mga atleta sa Olympics at sa mga natanggap nilang papuri at premyo, asahang magbibigay ito ng matinding inspirasyon sa kabataan para lalong magsumikap sa pagsasanay para makapagbigay din ng karangalan sa inang bayan.

Oo! Di naman pala kailangan maging malaki at matangkad. Ang kailangan pala ay lakas, liksi at determina-syon para maka-medal sa prestihiyusong competitions. Mabuhay!!!