Advertisers
GINTO ang dapat naibulsa ni NESTHY PETECIO sa nagdaang Featherweight Final Match ng boxing sa 2020 Tokyo Olympic Games sa Kokujikan Arena kung saan naagawan siya ng kalabang haponesa na tinalo niya sa ilang beses na previous match.
Binaha ng mensahe ang social media mula sa mga sumaksi at nanood ng Olympics games. Malinaw ang mga patama ni NESTHY kay SENA IRIE ng Japan na di inasahang mangungunyapit lang sa laban, obviously, upang mapigilan ang mga patama ng Pinoy boxer.
Malinaw din sa viewers na ‘atin’ ang dalawang rounds kung saan dominated ni PETECIO ang bout. Sa halip na split, unanimous decision pabor kay SENA ang naging resulta at ikinadismaya ng Pinoy community. Apat sa judges ang nagbigay ng 29-28 at ang isa ay 30-27.
“Parang wrestling, How can it be unanimous?”, dismayadong sabi ni Association of Boxing Alliances in the Philippines(ABAP) President RICKY VARGAS. Sa tingin ng marami, kay NESTHY anggold, ‘hometown decision’ yun dahil sa Japan ang venue at syempre Japanese ang papaboran kung gipitan ang laban. Dedma sa kuwestyon, thedecision is final, sabi nga.
Yun lang ang kaibahan pag boksing. Hindi katulad ngweightlifting na pinaghugutan ni HIDILYN FRANCISCO DIAZ ng unang goldnatin sa Olympics. Siya mismo ang may desisyon at chance kung kaya niyang buhatin ang sukatan ng panalo. Walang matatawag na ‘dayaan”.
Anyway, kailangan dito ang Sportsmanship kaya verythankful pa rin ang Pinoy at mismong si PETECIO sa pagkakahablot ng silver, honest man o hindi ang desisyon ng judges.
Si PETECIO ang ikatlong Pinoy boxer na nakapagbitbit ng silver sahistory ng Summer Games na unang itinatak nina ANTHONY VILLANUEVA(1964) at MANSUETO ‘ONYOK’ VELASCO (1996) sa Olympics record ngPinas.
At 29, the journey isn’t over. Hindi titigil si PETECIO sa target na makapag-uwi ng gold , ‘Tuloy ang laban!” ang diin sa mga interview. Speaking of ONYOK VELASCO, dedicated pala ni PETECIO sa coach niyang si NOLITO ‘Boy” VELASCO, kapatid ni ONYOK ang silver medal dahil ito rin ang mentor na nagdala sa kung ano siya ngayon bilang kilalang mahusay na athlete.
CALOY YULO, ISANG HIBLA SA BRONZE
HINDI laging pino ang daan, kaya kahit multi-medals angabot-kamay natin sa ginaganap na 2020 Tokyo Olympics mula sa 1st evergold na nabuhat ni HIDILYN, silver ni NESTHY, at inaabangang silver o gold at bronze partikular kina CARLOS PAALAM at EUMIR MARCIAL, may mgakapos dahil hindi laging smooth ang daan at pagkakataon.
Si CALOY YULO, 21 ang pinakabata sa 8 gymnasts na isinalangsa Ariake Gymnastics Centre sa Japan . He placed fourth sa men’s vaultfinals, 14.716, halos isang hibla sa bronze medal ni ARTUR DAVTYA14.733 (Armenia ), silver kay DENIS ABLIAZIN 14.783 (Russia/ROC) atJEAHWAN SHIN 14.783. (Korea). Isang outbalanced move sa una angnagpababa ng score ni YULO kahit nataasan pa si SHIN na nakahablot ng gold sa huli, nahila pababa ang total, Well, 4th is just a hairlinedistance. Unexpected ang outbalanced move at napalabas sa takdang linya ang right foot. YULO is a superb athlete to watch! We are proudof you, THANKS, CONGRATS, MORE POWER! Kudos to Pinoy contingents in 2020 Tokyo Olympics! HAPPY READING!