Advertisers

Advertisers

Sa pagpasok sa politics… Willie ipamamana na kay Kris ang ‘Wowowin’; Pia kinabog si Valentina sa bagong pictorial

0 299

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MATUNOG na nga at ugong na tuloy na sa pagsabak sa politics si Willie Revillame.

At ngayon namang buwan mag-aanunsiyo raw si Willie kung tuloy na siya sa bagong mundo na tatahakin.



Kaya nagtatanong ang netizens kung paano na ang show nitong Wowowin kapag natuloy na siya sa politics.

Sa 8.8 megasale ng isang shopping app ay tila nagpahiwatig na ito na last na nga raw sa kanila ang shopping app na pangunahing sponsor ng programa na kung saan at meron pang 9.9.

Tila nagpahapyaw ang TV host na ipamamana na nito ang Wowowin kay Kris Aquino kapag natuloy na si Willie sa pulitika.

Ito na yata ang hinihintay ni Kris na regular show if ever depende sa anunsiyo ni Willie regarding sa pagtakbo nito bilang Senador.

Inaasahan na magbabalik na ang sigla ng kalusugan ni Kris kapag nagkaroon na ito ng TV show.



Kapag nagtuloy si Willie, aba daily show ang iho-host ni Kris.

Kaya naman kaabang-abang ang gagawin na anunsiyo ni Willie kung tuloy ito sa napipinto nitong pagtakbo sa darating na halalan.

***

IBINAHAGI ni Pia Wurtzbach ang larawan na kuha sa kanya ng sikat na photog.

Maraming nagandahan na netizens sa bagong larawan ni Pia. Andaming nag-likes at nagbigay ng magagandang komento sa posted pics ni Pia sa kanyang socmed.

Sa lahat daw ng larawan ni Pia ay eto na nga raw ang the best.

Sinang-ayunan naman ng netizens pero naloka naman sila at gustong tumili ng walang sound.

Dahil nakipag-bonding sa ahas si Pia na kasama niya sa larawan. Sa kuha nga raw nito ay walang panama sina Valentina at Medusa lalo na sa kanyang posing.

Sa dami raw ng makakasama sa pictorial ay mas pinili nito na ahas ang makasama.

Ang tapang din daw ni Pia at ‘di natakot na ipulupot sa katawan niya ang ahas.

Well, well, well…’Yun  na!