Advertisers
SA lahat ng post ni Sharon Cuneta mula sa kanya, sa anak at asawa ay hindi puwedeng walang puna o banat ang kanyang bashers.
Wala nga na kahit isang post si Sharon sa kanyang social media na hindi puwedeng kumuda na bashers.
Sa bawa’t banat ng basher sa mga post ni Megastar ay hindi ito pinalalampas ng singer-actress.
Sa pagsupalpal ni Shawie sa kanyang bashers ay wala na itong mga sagot.
Kaya sa latest vlog nito sinabi nito na hindi na siya apektado sa kung anumang bira ng kanyang bashers.
Tila na-immune na ito sa mga puna at batikos ng bashers at napagod na sa pagsagot.
Kaya sa litanya nito ay sinabi nito sa kanyang bashers na “friends na lang tayo,” sey pa ni Shawie.
***
TUTOK sa ngayon si Gerald Anderson sa kanyang nabiling resort sa Zambales.
Binili raw niya ito para pagpagod siya sa trabaho ay may mapupuntahan siyang bakasyunan.
Sa post ni Gerald sa kanyang social media ay kita naman na siya mismo ang personal na nag-aayos kasama ang kapatid na lalake at kaibigan sa kanyang resort.
Hindi naman nakakitaan ng pagod si Gerald sa pag-aayos sa kanyang. resort.
Kung suko at tiklop na ang mga tumutulong kay Gerald, ang aktor ay kitang maliksi at malakas pa rin sa paggawa.
Dito tutok si Gerald kaya sinasabi ng netizens na nakakita sa kanyang post na kaya pala wala na raw itong time sa kanyang lovelife. So, pano na raw kaya ang rumored gf nitong si Julia Barretto?
Well, well, well…’Yun na! (Jovi LLoza)