Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAG-viral at trending sa socmed nang bumili ng sauce si Nadine Lustre sa isang store sa Siargao.
Naging palaisipan sa mga netizen kung ano nga ba ang uulamin ni Nadine at bumili ng sauce.
Pero imposible naman na ang sauce na binili ni Nadine sa store ang ulam nito samantalang may own resort sa Siargao ang French rumored bf nito.
Puwede nga raw na maging model or endorser ng sauce na binili nito sa store dahil sa pagiging trending sa socmed.
Ipinaalam na nga ni Nadine ang ulam nito at san gagamitin ang binili na sauce sa store.
Yes, lechon manok daw ang uulamin ni Nadine kaya ito bumili.
Ang sauce nga na binili nito ay para sa litson manok. Na-remember ni Nadine na nagbalik-date ito sa new bf na taga-Siargao.
***
JULIA MAGBIBIDA NA SA SHOW KAPAREHA ANG 2 MARCO
FINALLY nga raw after ng paghihintay ay mapapanood na nga si Julia Barretto na ito ang bida.
After nga lumipat sa Viva, this coming September ay mawa-watch na si Julia sa TV5, sa isang drama romance na pagbibidahan nito.
At dalawa ang kanyang leading man sa kanyang bagong project, sina Marco Gumabao at Marco Gallo.
Nag-invite na nga ang gf ni Gerald Anderson sa kanyang socmed para sa bago nitong project under Viva.
Sa kabila ng pagiging busy sa bago nitong project ay tutok pa rin si Julia sa kanilang ganap ng bf.
Deadma sa pasaring ni Janus Del Prado si Julia at kahit ang ex gf ni Gerald na si Bea Alonzo ay deadma rin.
Well, well, well…’Yun na!