Advertisers

Advertisers

Heart inatake ng pagkalukring sa ilang araw na quarantine

0 239

Advertisers

Ni  JULIET Q. PACOT

UMAARIBA na naman ang pagkalukring ni Heart Evangelista dahil sa ilang araw na quarantine matapos ang ilang projects sa Amerika.

Pakiwari raw kasi ni Heart para siyang nakakulong sa isang kulob na lugar na walang hangin.



Bagay na ikinaloka naman ng mga follower ng aktres na inakalang kung ano na ang nangyayari sa kanilang idolo.

Ikinabahala ng mga tagahanga ni Heart sa kanyang Instagram Stories ang malungkot nitong pinagdaraanan.



Kamakailan, tatlong magkakasunod na IG Stories ang ibinahagi ng Kapuso Queen of Creative Collaborations.

Sabi niya sa una, “I’m so anxious [crying emoji]”



Kasunod niyang ibinahagi ang tungkol sa kanyang quarantine dahil kakauwi lang niya galing sa Los Angeles, California, U.S.A.

Sinabi rin niyang wala siyang COVID-19, ‘yun nga lang, ayaw niyang matigil sa mga kulob na lugar dahil pakiramdam niya ay para siyang nalulunod.

Hindi rin nakatulong ang kanyang pagkabalisa.

Dagdag na kuwento ni Heart, “Those asking… I’m in quarantine cause I came from la… I don’t have covid [praying hands emoji]

“just feel like I’m drowning and suffocated when I’m in closed spaces for a long time.

“My anxiety is very bad. I am actually crippled by it most of the time… that’s why I can’t travel by myself.”

‘Nung araw na iyon, iyak siya nang iyak.

Saad ni Heart, “Maybe one time I’ll talk more about it just trying my best to relax… even if I’ve been crying the whole day.

Ilang linggong namalagi si Heart sa United States para sa ilang proyekto, kabilang na ang isang collaboration kasama ang Incubus frontman na si Brandon Boyd.