Advertisers

Advertisers

Ayuda ni Cayetano, walang P1K at inutil pa rin ang NCRPO anti-illegal gambling operations

0 394

Advertisers

LANTARANG panlilinlang sa mamamayang Filipino ang isinusulong ni Taguig City-Pateros Representative Alan Peter Cayetano na P10,000 pampinansiyang ayuda kada pamilya.

Inihain ni Cayetano ang panukalang batas hinggil sa P10,000 nang hindi na siya speaker ng Kamara de Representantes.

Ngunit, noong siya ang speaker sa loob ng isa at kalahating taon ay hindi nagpanukala si Cayetano ng P10,000 ayuda sa bawat pamilyang Filipino.



Ang nakasaad sa Bayanihan to Heal as One o Bayanihan 1 Act ay P5,000 hanggang P8,000 pampinansiyang tulong sa bawat pinakamahihirap na pamilya.

Ang mga nakatanggap ng P8,000 ay iyong mga nakatira sa National Capital Region (NCR), kabilang ang Lungsod ng Taguig at Bayan ng Pateros na lungga ng mga Cayetano.



Limang libo naman ang natanggap ng mga pinakamahihirap na pamilya sa mga lalawigan.

Idiniin ni Congressman Alan Peter Cayetano na bukod sa makatutulong sa mga mahihirap na pamilya ang P10,000 ayuda, pihadong sisigla ang ekonomiya ng bansa.



Palagay ko, kabisado na ninyo ang paliwanag ni Cayetano tungkol sa bagay na ‘yan dahil madalas ninyong napapanood sa inyong mga telebisyon ang patalastas ng kongresista hinggil sa isyu na ‘yan.

Biruin ninyo, gumastos pa ng napakalaking salapi ang kampo ng kongresista upang paulit-ulit na mapanood ng mamamayan na kumikolos siya para sa ayudang P10,000.

Pokaragat na ‘yan!

Kung hindi magkakaroon ng eleksyon sa susunod na taon, tiyak walang patalastas si Cayetano.

Sigurafong hindi rin siya maghahain ng panukalang magbibigay ng P10,000 sa bawat pinakamahihirap na pamilya.

Kamakailan lang, namahagi ng ayuda ang pamahalaang lokal ng Taguig sa bawat bahay.

Alam n’yo ba kung ano ang natanggap ng mga residente?

Bigas, noodles at ilang delata na ang kabuuang halaga ay wala pang P1,000!

Pokaragat na ‘yan!

Kung totoong nagmamalasakit si Rep. Cayetano, tutulungan niya ang kanyang kapatid na si Mayor Lino Cayetano para magbigay ng P10,000 bawat pamilya.

Tiyak panalo sila sa eleksyon kapag tumakbo uling kongresista si Alan at alkalde si Lino sa halalan.

Nabasa ko ang banner story ng ilang tabloid tungkol sa anti-illegal gambling operations ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung saan nakasakote ng dalawang sangkot sa iligal na sugal sa Quezon City.

Iyong isang nahuli ay kubrador ng “lotteng”.

Patunay na talamak ang bookies ng lotteng sa Quezon City na ang napabalitang operator nito ay si alyas “Tisay”.

Ang pagkakahuli sa kubrador ay malinaw na ebidensyang kumikilos ang iligal na lotteng, pero hindi pa rin nahuhuli si alyas Tisay.

Pokaragat na ‘yan!

Hindi na nga hinqhanting ng mga pulis ng Quezon City na pinamumunuan ni Brig. Gen. Antonio Yarra Jr., hindi pa rin nasusukol ng NCRPO na noon pang Mayo 2020 pinamumunuan ni Major General Danao Jr.

Totoo kaya ang tsismis na itong si alyas Tisay na matagal na ring namamayagpag ang lotteng sa Lungsod ng Caloocan ay isa sa mga bataan ni alyas “Tita” o alyas “Reyna”?

Si Tita na bantog na bantog sa iligal na bookies ng small town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay napabalitang ‘kolektor’ umano ng opisyal sa NCRPO.

Pokaragat na ‘yan!

Bukod kay Tita, sino kayang beteranong gambling lord na malakas kay Mayor Joy Belmonte ang kinakapitan at kinakausap ni alyas Tisay kapag nagigipit?

Sa totoo lang, napakatalamak ng illegal gambling sa Quezon City.

Maliban sa lotteng, mayroon ding bookies ng STL at iba pa.

Kaya, ang operasyon umano ng mga tauhan ni Danao sa Quezon City ilang araw na ang nakaraan na nitong Agosto 30 lumabas na banner story sa ilang dyaryo ay hindi malawakan kundi malinaw na inutil na kampanya.

Napakalinaw pa sa sikat ng araw na kailangan qmg puspusang operasyon ng NCRPO laban sa illegal gambling upang muling mapansin si Danao ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil ‘nadismaya’ nang todo ang pangulo kay Danao.

Kailangang totoo at seryosng malawakang kampanya kaban sa lahat ng uri ng iligal na sugal sa buong Metro Manila — hindi lang sa Quezon City.