Advertisers

Advertisers

Tunay na nananalig sa Diyos! makikilala sa pandemya

0 8,788

Advertisers

LAHAT halos ng mga relihiyon ay nagtuturo ng pagsampalataya sa DIYOS (maliban ang mga sumasamba kay SATANAS); subalit pagsapit ng mga PANDEMYA ay marami sa mga tagapagturo ng BIBLIYA tulad ng mga PARI, PASTOR, LAYMAN o iba pang mga nagtuturo na SUMAMPALATAYA SA DIYOS ay sila pa ang kakikitaan ng PAGDUDUDA SA DIYOS.

Sa pagkataranta sa mga nababalitang biglaang pagdami ng mga nagka,-COVID 19 at pagdami ng mga namamatay ay tila nahipan ang utak ng karamihan sa mga tao at biglang nabura sa kanilang isipan ang KAPANGYARIHAN NG DIYOS at sa halip ay nabaling ang kanilang pananampalataya sa MAGAGAWA NG MGA DOKTOR.

Nakalulungkot isipin na marami sa mga nagsasabing nananampalataya sa DIYOS ay pawang paimbabaw lamang dahil sa halip na mag-PRAY, magmakaawa sa PANGINOONG DIYOS ay sa mga DOKTOR naglulumuhod para maturukan sa pag-asang maprotektahan laban sa virus ang mga taong mahihina ang FAITH sa GOD.



Teka.., kailangan ba ang mga DOKTOR?

OPO, kailangan ang mga DOKTOR lalo na sa mga EMERGENCY SITUATION tulad halimbawa, nadisgrasya na kailangang maampat ang pagdurugo ay masosolusyunan ito ng mga DOKTOR.., kasi sa panahon ngayon ay wala na ang mga katulad nina ABRAHAM, JOB, APOSTOL PEDRO at iba pang matitibay ang pananalig sa DIYOS na ang kanilang saligan ay ang taimtim na pananalangin.., na kahit itapon sa nagliliyab na apoy ay hinde itutulot ng DIYOS na matupok ng apoy ang tapat na mananampalataya.



Ang tunay na nananalig, na walang anumang pagdududa sa kanilang pagsusumamo sa PANGINOONG DIYOS ay papawiin ng DAKILANG LUMIKHA anumang karamdamang iyong taglay.., kaya, ang TUNAY NA SUMASAMPALATAYA SA DIYOS ay hinde nangangamba sa COVID-19 o anumang uri ng sakit.

Hinde marapat na magpost sa facebook para hilingan mo ang mga kaibigang ipagdasal o ipanalangin ka.., kundi, ikaw mismo ang taimtim na mag-PRAY sa PANGINOONG DIYOS!



***

SA PANDEMYA, PCUP PUSPUSAN SA PAGTULONG!

Sa nalalapit na pagtatapos ng taong 2021 ay puspusan ang PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) na maisulong ang Capability Building Programs (CBPs) at skills trainings sa mga komunidad ng maralita sa bansa.., upang masungkit ang target nitong 17,000 benepisyaryo.

Isa sa mga mekanismo sa pagsasakatuparan ng layuning ito ay ang patuloy na pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng PCUP sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor sa bisa ng Memorandum of Agreement (MOA).., na, isa sa pinakapangunahing katuwang ng Komisyon ay ang TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY (TESDA). Ito ang katuwang ng PCUP sa pagsasagawa ng mga skills training at libreng seminar sa mga maralitang tagalungsod na nais magkaroon ng bagong kaalaman at kasanayan hinggil sa mga paksang may kinalaman sa pagnenegosyo.

Bukod sa mga TESDA courses na libreng natatamasa ng sektor ng mahihirap, marami pang paksa ang tinatalakay sa mga CBPs ng PCUP tulad ng mga livelihood related trainings, financial literacy seminars, gender and development orientation, leadership trainings, paralegal, organizational management, climate change adaptation and disaster risk reduction management, at marami pang iba.

“Nais ng PCUP na mabigyan pa ang maralitang sektor ng pantay at patas na pagkakataon sa libreng seminars at trainings na magbibigay sa kanila ng dagdag na kaalaman at kasanayan na sa kalaunan ay maaari nilang magamit sa paghahanap ng trabaho o kaya’y pagtatayo ng sariling negosyo,” pahayag ni USEC. ALVIN FELICIANO.

Sa kasalukuyang datos ng PCUP ay may naitala nang 328 trainings at seminars na nilahukan ng 11, 089-katao mula sa iba’t ibang mga urban poor organizations (UPOs) sa Kalakhang Maynila, Luzon Visayas at Mindanao.

Tuloy-tuloy naman ang pagmomonitor ng Komisyon at ng bawat Field Operations Divisions (FODs) nito sa mga isinagawang CBPs upang masiguro na maibibigay nito sa mga maralitang komunidad ang kaalaman at kasanayan na lubhang kinakailangan para sa kanilang pag-unlad.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.