Advertisers

Advertisers

ENDORSO NG PDP-LABAN PORMAL NA TINANGGIHAN NI BONG GO

'Focus muna, serbisyo muna sa bayan'

0 219

Advertisers

PORMAL nang tinanggihan ni Senator Christopher “Bong” Go ang endorso sa kanya ng National Executive Committee ng ruling party Partido Demokratiko Pilipino Laban ng Bayan (PDP-Laban) bilang presidential candidate ng partido, katambal ni Pangulong Rodrigo Duterte na inendorso naman na maging bise-presidente sa May 2022 national elections.

Sa kanyang liham kay party president at Energy Secretary Alfonso Cusi, bagama’t lubos niyang ikinararangal ang tiwala at kumpiyansa sa kanya ng mga kapartido ay malugod niyang tinatanggihan ang endorso sa kanya.

“I am deeply honored by the trust and confidence of the members of the NEC in my capability to run for the presidency this coming 2022 elections. For a simple man who hails from a city in the South, the endorsement alone by esteemed members and officers of the NEC is a great personal honor for me,” sabi ni Go.



“As much as I wish to respond to the clamor of many of our partymates, I most respectfully decline the said endorsement. As I have said many times before, I am not interested in the presidency,” aniya sa liham.

Ginawa ni Go ang liham matapos mag-adopt ang PDP-Laban NEC ng Resolution No. 5, series of 2021, noong August 4, na nagtutulak sa kanya para maging presidential candidate ng partido habang si Pangulong Duterte naman sa vice-presidential post.



Bilang chairman ng Senate Committee on Health, sinabi ni Go na nais niyang ituon ang kanyang atensyon at oras sa pagtulong sa pamahalaan at sa Filipino na malampasan ang pandemya sa lalong madaling panahon.

“This includes not just crafting laws but also performing representation and constituency services, particularly by helping those in need, as I have been doing ever since,” ipinaliwanag ng senador.



Anang mambabatas kagaya ng palagi niyang sinasabi, ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang kanyang magiging kapalaran.

Ayon kay Go, lubos siyang nagpapasalamat sa tiwala sa kanya ng publiko at ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

“Marahil ay nakakita po ang mga supporters niya ng rason para maipagpatuloy ang mga magagandang nagawa ng Pangulo. Continuity po ang kanilang hinahanap.”

“Ngunit hindi pa rin nagbabago ang isip ko. Hindi talaga ako interesado. Unahin niyo na lang ang mga may gusto talagang tumakbo bilang Pangulo. Kung ako tatanungin ninyo, mas gugustuhin ko na ako’y tahimik na nagseserbisyo para sa kabutihan ng kapwa kong Pilipino bilang inyong senador,” ani Go.

“Focus muna tayo, serbisyo muna tayo. Mahalaga po nandiyan po ang ating recovery measures at importante po walang maiwan sa ating pagbangon bilang nagkakaisa at mas matatag na bansa,” idinagdag ng mambabatas.