Advertisers

Advertisers

Sen. Pacquiao handang magbitiw sa Senado kapag napatunayang walang korupsyon sa Duterte administration

0 250

Advertisers

Handang mag resign si Senador Manny Pacquiao kapag mayroong nagsabing walang korupsyon sa gobyernong Duterte.

Kasunod na rin ito ng pahayag ni Senador Bong Go na walang grand scheme ng korupsyon sa ilalim ng Duterte administration lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Iginiit ni Pacquiao na dapat maimbestigahan, makasuhan at maipakulong ang mga sangkot sa pagnanakaw sa kaban ng bayan para mabigyan naman ng hustisya ang matagal nang naghihirap, nagtitiis at nagsasakripisyong mga Pilipino.



Magugunitang isiniwalat ni Pacquiao ang anito’y korupsyon sa DOH, pamamahagi ng SAP ng DSWD at katiwalian sa DOE.

Inaasahang masisimulan na ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa expose ni Pacquiao ngayong balik bansa na ang Fighting Senator mula sa laban kay Cuban Boxer Yordenis Ugas.

***

Samantala dineklara ng Labor Party of the Philippines (LPP), kilala ring Workers and Peasants Party (WPP), na gusto nilang si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao ang kanilang standard-bearer sa 2022 elections.

Sinabi ni Prof. Oscar Morado, LPP senior vice president for operations at party spokesman, na si Pacquiao ay mayroong “leadership clothed with decency and trans-cendence.”



Sabi ng LPP, ang buong bansa ay ipinagmamalaki si Pacquiao kahit natalo ito kay Ugas sa pamamagitan ng unanimous decision.

Sinabi ni Pacquiao noong Linggo na iaanunsyo niya ang kanyang plano sa 2022 ngayong Setyembre.

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!