Advertisers

Advertisers

WALA NANG ‘ARTE’ NG COVID SA LAS VEGAS BOXING

0 235

Advertisers

HINDI na rin namin babanggitin ang pangalan ng source sa live coverage sa linyang ‘ DITO LANG NAMAN SA ATIN ANG MARAMING ARTE” referring to COVID 19 restrictions, nang punahin ang big crowd of around 15 thousand onlookers na walang face masks man lang sa laban ni Pambansang Kamao MANNY ‘PACMAN’ PACQUIAO recently sa Las Vegas, Nevada, USA.

Meaning, malinis na sa kanila hindi tulad sa Pinas na lalo pang lumalala ang sitwasyon na kung anu-anong variant pa ang nakakabit sa pandemya. Mas mahigpit ang restrictions at may bagong schemes tulad ng granular lockdown na inirereklamo ng ilan dahil hindi pwedeng lumabas lahat samantalang wala itong proper coordination or consideration kahit walang stock o available na supply ang households.

May katwiran naman ang mga reklamo. Kung usapang respiratory trouble ang kaugnay ng COVID, puro dagdag-pahirap na sa paghinga ang face mask at face shield. Dito lang umano sa Pinas may faceshield bukod sa face mask dagdag sa social distancing.



Ang question po, dawit ang ilang malalaking government agencies at personalities sa corruption issues kaugnay ng bentahan o negosyo sa face mask at faceshield. Well, ang top point ay ang hirap na dinaranas ng Pinoy, samantalang malinis na sa kapit-bansa. What doyou say?

PBA, WORTH IT BA NA ITULOY NGAYON?

AS of writing, lumabas na ang latest schedule ng PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) for 1 week, September 1-5 sa DHVSU Gym, Pampanga na may health and safety protocols.

May antigen test every morning per team before game patiRT-PCR test every Monday. Under Modified Enhanced Community Quaratine (MECQ) na pero required ang teams sa hotel-venue-hotel routine. May agreement ang teams with Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH), pag may positive result sa swab test sa 6 teams, automatic na ititigil ang remaining games.

Limang (5) playdate schedules per week ang naka-set para tapos agad ang conference, Miyerkules hanggang Linggo with triple-headers, Wednesday, Friday, Sunday at double-headers pag Thursday at Saturday.



Ilalabas lang ang bawat game schedule every Tuesday afternoon pagkalabas ng RT-PCR test results na gagawin every Monday.

Kung papasadahan ang comments ng PBA followers sa social media, hindi lang naman po kami ang magsasabing, ‘bakit hindi na lang muna itigil ang PBA Games? Bakit kailangang dumaan sa ganito kahigpit at kabigat na sitwasyon? Iba sa NBA sa States, kaya pati boxing venues safe, malinis na sa kanila pero mukhang patuloy pang dadaan halos sa butas ng karayom ang PBA para magpatuloy. Gaano po kabigat yan sa lahat ng concerned parties? Kung titingnan, paano pa kikita ang PBA at franchise groups? Worth it bang ituloy ang PBA ngayon? Yun lang,dagdag-employment ang kasunod.

Sa ganang amin po, bilang kaisa sa suporta sa top sport natin sa bansa, hindi kawalan kung tumigil pansamantala. Mas mahalaga pa rin ang welfare ng bawat isa. Tanggap naman na maraming tumigil sa dating routine. Tigil pati ekonomiya, face-to-face classes, recreation, etc.

Sa puso ng bawat Pinoy, legendary institution ang PBA at ‘Pambansang Libangan’ ang games nito na aabangan. Well, whatever, let’s just wait and see. Isama sanang ipagdasal ang ating solo pro-league. Ipanalangin natin na makabalik na sa ‘normal Normal’. HAPPY READING!