Advertisers
ARESTADO ang tatlong kilabot na kawatan na binansagang ‘Iron Men’ sa paligid ng Manila Domestic terminal nang mahuli ang mga ito sa aktong itinutulak sa ibabaw ng kariton ang isang steel H-beam bar, BMX bike at isang jungle bolo sa lungsod ng Pasay.
Batay sa ulat na isinumite ni AP Lt. Jesus Ducusin, OIC-Police Investigation Section kay AP Maj. Jaime Estrella, OIC-Police Intelligence and Investigation Division (PIID), kinilala ang mga nadakip na sina Emmanuel Garciano, 30 anyos, lider ng grupo; Ariel Jasma,23; at Carlo Morata, 29, pawang residente ng Bgy. 148, Sgt. Mariano compound, Pasay City.
Ayon sa report, habang nagbabantay ang guwardiyang si Francis Mariano sa may Parking B, Entrance, NAIA Terminal 4 sa Domestic road nang mapansin nito ang mga magnanakaw na itinutulak ang kariton na mayroong karga na malaking bakal.
Advertisers
Ang nasabing H-beam bar na may sukat na humigit-kumulang tatlong metro ang haba ay mula sa isang abandonadong gusali na nasa tapat ng nasabing paliparan.
Napag-alaman na sina Graciano at Morata ay parehong convicted sa kasong robbery.
Muli na namang nahatulan ang dalawa kasama si Jasma kaugnay sa kasong Theft nang aminin nila ang kanilang pagkakasala sa MTC branch 45 ng Pasay City. (Jojo Sadiwa)