Advertisers
NAUWI sa trahedya ang masayang outing ng tatlong magkakaibigan nang mahagip ng elisi ng motorized banca ang 14-anyos na lalaki sa Barangay Bagong Silang, Quezon, Lunes ng hapon.
Hindi na naisalba ng mga manggagamot sa Alabat Island District Hospital ang bata dahil sa grabeng pinsala sa ulo at katawan ng biktimang si Ronnel Pelin, estudyante at residente ng Barangay Pagkakaisa.
Batay sa ulat, sakay ng motorized banca na may tatak na “Gemma” ang biktima at dalawang kaibigan matapos na mag-picnic at patungo na sa pampang 3:30 ng hapon nang nawalan ng panimbang sa pagkakaupo ang biktima at nahulog sa tubig, kungsaan nahagip ito ng elisi ng sasakyang dagat.