Advertisers
MATAPOS ang 4-dekadang paninirahan ay may mahigit na 1,500 pamilya sa PAYATAS, QUEZON CITY ang maituturing na sinuwerte dahil natulungan ng QUEZON CITY GOVERNMENT na maging pag-aari na ng mga ito ang loteng inookupahan ng kani-kanilang mga bahay.
Ang mga pinalad ay ang mga residenteng bumubuo ng RAMAWIL 9.6 HOMEOWNERS ASSOCIATION INC., sa BRGY. PAYATAS, kung saan ay 2-taon na ang.lumipas nang pangakuan sila ni MAYOR JOY BELMONTE na reresolbahin ang pinagpo-problema ng mga ito hinggil sa paninirahan sa kani-kanilang mga kinalulugaran.
Nitong nagdaang linggo ay nilahdaan ni CITY MAYOR BELMONTE ang DEED OF CONDITION SALE kasama sina RAMON ASPRER na siyang HEAD ng HOUSING COMMUNITY DEVELOPMENT AND RESETTLEMENT DEPARTMENT at si ATTY. RODERICK SACRO ng LANDBANK OF THE PHILIPPINES para sa paggagawad ng 157 pacel ng lote na dating pagmamay-ari ng LANDBANK.
Nagpahayag naman ng lubos na pagpapasalamat sa CITY GOVERNMENT si RAZUL JANORAS na siyang PRESIDENT ng RAMAWIL 9.6 HOMEOWNERS ASS. INC dahilagiging pag-aari na nila ang lupang kibatitirikan ng kani-kanilangnmga bahay.
Pinasalamatan naman ni MAYOR JOY BELMONTE ang LANDBANK OF THE PHILIPPINED gayundin ang SANGGUNIANG PANLUNGSOD na sinang-ayunan ang CITY RESOLUTION
SP 8094-S-2020, para makuha ang nasabing lugar sa PAYATAS.
Lumalabas na ang lugar na inookupahan ng nasabing asosasyon ay nagsilbing negosyador si CITY ADMINISTRATOR MICHAEL ALIMURONG katuwang ang HCDRD at ng CITY APPRAISAL COMMITTEE na nakumbinse ng mga ito ang LANDBANK na maipagbilinsa murang halaga; kung saan ay nakuha ang propeety sa halagang P209,244,000.00 na mas mababa sa orihinal na presyong inilahad ng LANDBANK na P257,070,000.00.
Siyempre pa, masasabi mang swerte.ang.mga bumubuo sa nayirang asosasyon ay hinde naman libreng maangkin nila ang loteng kanilang inookupahan, dahil may kaakibat pa rin itong responsibilidad.., at yan ay babayaran ng mga residente sa QC GOVERNMENT ang kada-metrong kuwadrado ng lupang kanilang inookupahan sa halagang P3,000.00 per square meter. Sa pamamagitan ng CITY GOVERNMENT PROGRAM ay maipagkakaloob ang mga lote sa.may 1,518 mga pamilya
“Malaki po ang pasasalamat namin sa Landbank dahil you agreed to enter into negotiations with the city government para maibigay sa tao ang matagal ntea nilang tinitirahan na lupa. Wala akong ibang ninanais kundi ang makatulong na makamit ang mga ipinaglalaban ng mga tao sa Quezon City,” pagpapahayag ni MAYOR BELMONTE.
Kaya naman, ang ARYA ay bumabati sa mga opisyales ng RAMAWIL 9.6 HOMEOWNERS ASSOCIATION INC., sa pangunguna ng kanilang PRESIDENT na si RAZUL JANORAS.., indikasyon ito ng magandang samahan ng mga magkakapitbahay tungo sa progreso ng kanilang komunidad.., na dapat ay mapamarisan ng ibang mga asosasyon. Maraming mga asosasyon ang imbes na progreso ng kanilang komunidad ay sariling bulsa ng mga opisyal ang inuuna at ginagawang gatasan ang kanilang.mga kalugar o ka-miyembro!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.