Advertisers

Advertisers

P3.4m shabu nakumpiska sa 2 mekaniko sa Pasig

0 292

Advertisers

Hindi na nakapalag ang dalawang mekaniko ng sakyan sa mga operatiba ng PDEA Nueva Ecija, Region 3, nang masukol sa ikinasang drug buy bust operation sa lungsod ng Pasig.

Kinilala ang dalawang suspek na sina John Errol Malabanan at Joseph Bautista 44, Breezy Sudivision, Brgy. Dela Paz, Pasig City, habang nakatakas ang isang Dennis Lacson.

Isinagawa ang buy-bust operation sa harapan ng Octagon Village Gate, nang F. Mariano Ave. Barangay Dela Paz, Pasig City, 7:00 ng gabi kasama ang pwersa ng Manggahan Police Sub Station 8 at Pasig SDEU.



Nakumpiska ang dalawang pirasong knot tied transparent plastic ice bag na naglalaman ng crystalline substance na shabu na may 500 gramo na nagkakahalaga ng P3,400,000.00, isang unit na Green Honda Civic na may plate number UHS 757 at buy bust money.