Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NAGBUNGA na rin ang pagkuha ng atensyon ng viral online seller turned vlogger na si Madam Inutz aka Daisy Lopez.
Hindi lang ang kilalang social media influencer, former Mr. Gay World titlist, businessman, at philanthropist na si Wilbert Tolentino ang nagkainteres sa kanya kundi pati na rin ang music lovers.
Legit na recording artist na ang bagong talent ni Wilbert.
Katunayan, viral ngayon ang music video ng kanyang debut single na “Inutil” na paboloso ang produksyon at angat ang Kpop feels.
Bagay din sa boses niya ang istilo ng Novelty, Rap, Hiphop, Rock, lalong lalo ang mga Tunog Kalye na kinagiliwan ng masa kina Sampaguita, Aegis at Up Dharma Down.
Ani Madam Inutz, nakaka-relate raw siya sa mga titik at mensahe ng kanyang kanta.
Ang titulo kasi nito ay galing sa isa sa pamosong catchprases na ginagamit niya sa online selling.
Hango sa kanyang mga karanasan, dumanas din daw siya ng maraming pagsubok sa buhay tulad ng pagtitinda na halos walang bumibili sa kanya.
Tungkol naman sa mga nagre-react sa pagmumura niya sa pag-oonline selling, ito ay isa lamang niya umanong diskarte para makabenta.
“Hinahayaan ko lang. Puwede naman silang umalis sa live ko. Basta ako lahat gagawin ko makuha lang ng attention ang live ko sa pagtitinda dahil meron akong responsibilidad para sa bills at syempre lahat gagawin ko para sa pang gamot ni nanay,” ani Madam Inutz.
Speaking of her debut single, pinaghandaan daw niya ang kanyang recording dahil ayaw niyang ma-disappoint ang kanyang followers at manager na si Wilbert.
“Pinag-aralan ko ang tema ng lyrics na isinulat ni Ryan Soto. Sinuri ko ang bawat linya, kung paano aangkop sa aking pagkatao. Pagkatapos, pinakinggan ko iyong melody sa demo nang paulit-ulit hanggang makabisado ko siya,” kuwento ni Madam Inutz.”Ilang araw na hindi rin ako uminom ng malamig na tubig at binawasan ang pagsisigaw sa online selling para makundisyon ang boses ko. Dahil ang kanta ay may kaunting pagsigaw at kailangan ng energy,” dugtong niya.
Like a pro, hindi raw naman siya nahirapan sa pagre-record na tumagal lang ng mahigit dalawang oras.
Sobra namang thankful si Madam Inutz sa pag-aalaga sa kanya ng manager na si Wilbert.
“He’s an angel. He’s heaven-sent. Sobrang grateful ako sa guidance niya sa akin,” pagtatapos niya.
Ang Inutil ay mapakikinggan at maido-download na sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, Youtube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, iTunesRadio,at iba pang online music platforms.
Para sa Inquiries & product endorsements- tumawag lang sa 09175INUTIL / 09175468845 or Email sa DLINUTIL@GMAIL.COM.