Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
ITINANGGI ni Boy Abunda ang balitang lilipat/babalik siya sa GMA pero inamin na may naganap na pag-uusap sa mga tao na konektado sa Kapuso at maging sa TV 5.
“Wala namang offer sa akin ang Channel 7, but I have been in discussion with various parties. Including people who are affiliated with 7.
“I`ve been offered by other channels. I`ve been asked by people affiliated with TV 5. I`ve been negotiating with other independent producers to do talk shows,” say ni Kuya Boy sa panayam sa kanya ni Mario Dumawal, aired last Wednesday ng ABS-CBN.
Ayon pa kay Kuya Boy, hinihintay pa rin niya ang pagbabalik ng Kapamilya Network on free TV.
“I`m still waiting for ABS to have free TV. Even that is going to be a very painful decision. I will wait,” aniya.
“Halimbawa, free TV ang ABS, we wouldn`t even be talking about this. Yun lang naman ang inaantay ko. I wanna go back to television. I miss television, I miss doing my talk shows in television,” patuloy pa ni Kuya Boy.
“Kung walang-wala na talaga, eh di maga-apply na ako sa iba na sinabayan ng tawa. Pero sa ngayon, hindi totoo yun,” dagdag pa ni Kuya Boy.
Dahil sa lumabas na isyu na may offer sa kanya ang Kapuso Network kahit wala naman talagang offer sa kanya ay sinabi niyang nahihiya siya sa GMA 7.
Kung itatanong daw sa kanya na may nangyari ba nung nakipag-usap sa kanya noon ang GMA 7, ang sagot niya ay yes.
“Pero nothing happened, nothing came out of it because, too early in the game. Ang sinasabi ko, nag-aantay ako hanggang magkaroon ng prangkisa ang ABS-CBN,” aniya.
***
MARAMING naaliw sa ipinost na video ni Robin Padilla sa Instagram dahil parang nagsabay pa sila ni Kris Aquino sa paghuhubad.
Si Kris kasi ay mistulang may pa-nude photo sa banyo sa kanyang IG samantalang si Robin ay naka-topless din sa banyo na naglalaba pala ito.
Makikita sa video na naka-topless si Robin habang nilalabhan ang pawisang damit na kanyang ginamit sa work-out gamit ang kanyang paa. Pagkatapos labhan ay makikitang sinasampay na niya ito.
“Quarantine life. Hindi ko malilimutan ang mga training na ipinamana sa akin ni master/Kru Roberto Valdez (MAP/YAWYAN) sabi niya na ang martial arts ay hindi binubuo lamang ng art of fighting, may kapartner din itong disiplina.
“Ang mga ginagamit mo sa training hindi yan dapat bumabaho o pinalalaba mo sa iba. It is a relationship between you and your training gear” (mahilig mag english si master) walang fighter na amoy paa.
“Kaya nakaugalian ko na tuwing hapon ibabad ko na ang pawisan kong ginamit sa sabon at pagkatapos ng dasal, nilalabhan ko na ito gamit ang paa (kailangan paa kasi may coordination, movement pa rin yun at balancing, siguraduhin na may mahahawakan kapag na-out balance sa dulas ng sabon) pagkatapos nito ay isampay na.
“Matagal naitago ang mga hand wrap ko siguro mga 10 years na dahil hindi na ako gumagamit nito mula nang tumigil ako sa punching bag at lumipat sa Slam Man.
“Si robinhood jr pa ang gumamit ng isang pares nito noong nagboxing training siya kay URCC champ Caloy Baduria sa elordes ilang taon na ang nakalipas.
“Sayang ang mga ito may extra dito na 2 pares na handwrap at 2 pares na knee pads, 2nd hand na ito pero matibay pa ito kung sino ang interesado na taga-Manila lang ipamoto express ko sa inyo,” mahabang caption ni Robin.
Makikita naman ang comment ni Mariel sa commen section ang katagang, “Yay!! Magaling ka talaga mag laba even in europe ikaw tlaga laba ko ahhahaha.”