Advertisers

Advertisers

Babala ng CSC; Mga kawani ng gobyerno na mangangampanya para sa mga kandidato, posibleng matanggal

0 250

Advertisers

MULING nagpaalala ang Civil Service Commission sa mga kawani ng gobyerno na manatiling apolitical ngayong nalalapit na ang panahon ng eleksyon.

Sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada na hindi na dapat makialam pa ang mga government employees sa pulitika lalo na’t maaari nitong maapektuhan ang kanilang mga sariling trabaho

Ayon pa kay Lizada, pwedeng mapatawan ng parusa o matanggal sa trabaho ang sinumang mga kawani na mangangampanya para sa kanilang mga gustong kandidato.



Samantala, una nang sinabi ni Philippine National Police Chief Guillermo Eleazar na magkakaroon sila ng reshuffle sa mga pulis na may mga kamag-anak na kakandidato sa 2022 upang matiyak na hindi nila maiimpluwensiyahan ang resulta ng halalan.

***

Samantala nagbigay naman ng paalala si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar sa lahat ng mga pulis na manatiling ‘apolitical’ o huwag makisawsaw sa 2022 eleksyon.

Ayon kay PNP chief,pinag-iingat niya ang mga pulis sa kanilang mga post sa social media at iwasang magpahayag ng suporta sa isang kandidato para hindi maka-impluwensya.

Aniya, ang paalala niyang ito ay batay sa PNP Memorandum Circular na naglalaman ng Guidelines and Procedures in Social Media Content, Post and Engagement Utilizing Social Media Accounts and Individual Accounts of PNP Personnel.



Sakali aniyang makisawsaw sa pulitika ang sinumang pulis ay mapapatawan ng parusang administratibo o mahaharap sa disciplinary action.

Sinabi pa ni PNP chief, na ang tanging dapat panigan ng mga pulis ay ang bansa at ang taumbayan, hindi ang ilang personalidad, politiko o partido.

Hinimok din ni PNP chief Eleazar ang mga pulis na magparehistro nang sa gayon ay makaboto rin sa 2022 national and local elections.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com at ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!