Advertisers

Advertisers

Gabbi plano ring sumabak sa beauty pageant; Claire napabilib ang co-stars sa sampal ni Direk Gina sa serye

0 231

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MUKHANG nakapag-move on na si Gabbi Garcia sa mga body shammer niya sa pamamagitan ng pagpost ng sexy photo na naka triangle-shaped bikini tops siya.

Kung matatandaan ay binash nang todo ang sexy pic ni Gabbi dahil sa kanyang flat na dibdib, as in small boobs.



“I used to be so shy & hesitant when it comes to wearing triangle-shaped bikini tops. But now, I learned to finally embrace it,  flaunt it and be proud,”  saad sa caption ni Gabbi.

Tsika rin na may plano rin si Gabbi na sumabak sa isang national beauty pageant, kailan kaya ito binabalak ng Kapuso young actress?

“If I feel like it’s the right time, I’ll make time to train before I enter. When the right time comes that I’m able to join, I will allot a year, at least a year to prepare for it.

“I’m open in doing trainings, speech communication, pageant walk, working out. I’m really game and I’m up for the challenge,” say pa rin ni Gabbi.

Maging ang kutis ni Gabbi na morena ay pinagmamalaki niya sa kabila ng katotohanan na karamihan sa mga Pinay ay feel na magkaroon ng mapuputiing kutis.



“I’m proud of my skin. The entertainment industry is starting to become more diverse, nakikita ko kahit sa mga pageant,” saad ni Gabbi.

***

SIGURADONG after ng “Nagbabagang Luha” ay kikilalanin si Claire Castro bilang isa sa new actress to watch. Maging ang mga kapwa kasamahang artista ni Claire sa naturang teleserye ay napahanga sa kanya sa isang eksena na bigla siyang sinampal ni Gina Alajar.

Yes, sampal mula sa isang tinitingalang aktres at hindi pineke kundi makatotohanan na dumapo ang buong palad ni Gina sa pisngi ni Cielo, not once but twice with matching sabunot at kaladkad pa.

Maging ang mga bida ng “Nagbabagang Luha” na kasama sa eksenang iyon na sina Glaiza de Castro, Mike Tan at Rayver Cruz ay nabigla sa sampal ni Gina kay Claire. Sa lumabas na video ng naturang eksena kitang-kita ang reaksyon sa kanilang pagmumukha ang pagkabigla na maging si Glaiza ay napatakip sa kanyang bibig, si Mike ay nagulat, maging si Rayver ay nabigla, at dahilan sa magagaling na aktor, kahit na nabigla ay stay pa rin ang mga ito sa kanilang karakter.

Si Claire ay tila hindi inaasahan ang ganun katinding sampal at kahit baguhan ay hindi nakakitaan ng pagkabigla, tuluy-tuloy lang sa pag-iyak habang sinasampal at sinasabunutan.

As usual, marami na namang napahanga si Gina Alajar sa kanyang napakahusay na pag-arte.

Ginampanan ni Claire ang papel ni Alice Dixson sa movie version nito at dito rin napansin ang akting talent ni Alice. I’m sure hindi malayong masundan ni Claire ang mga yapak ni Alice dahil na rin sa galing niyang umarte.