Advertisers

Advertisers

Groundbreaking ng 5-storey multi-purpose hall complex, pinangunahan ni Honey at Yul

0 311

Advertisers

PINANGUNAHAN ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna ang groundbreaking ng five-storey, multi-purpose hall complex na mayroong gym at basketball court sa Binondo at para sa mga residente third district ng lungsod.

Kasama ng bise alkalde sa nasabing groundbreaking nitong Martes, Oct. 12 sina Congressman Yul Servo at Councilor Joel Chua.

Sina Lacuna at Servo ay kapwa tumatakbo bilang mayor at vice mayor para sa 2022, sa ilalim ng lokal na partidong Asenso Manileno habang si Chua naman ay tumatakbo bilang third district representative at kapalit ni Servo sa Congress.



Sa kanyang maiksing menshe, pinasalamatan ni Lacuna si Servo sa naisip nitong pagtatayo ng nasabing multi-purpose hall na labis na pakikinabangan ng mga residente ng third district ng Maynila.

Ayon pa sa bise alkalde ang pagkakaroon ng ganitong uri ng proyekto ay makakatulong upang mawala ang atensyon ng mga kabataan sa mga bisyo tulad ng sugal at droga at makakatulong upang may mapagpalipasan ng oras kapag tuluyan ng mawala ang quarantine sa Maynila.

Matatagpuan sa Jaboneros Street sa Binondo, sinabi ni Servo na ang paggamit ng gym at basketball court ay libre.

Sinabi pa ni Servo na ang mga interesadong gumamit ng multi-purpose hall complex ay maaring makipag-ugnayan sa kinauukulang barangay. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">