Advertisers
Inaresto ang isang suspendedong traffic enforcer nang maaktuhang gumaganap bilang duty enforcer habang nakasuot pa ng uniforme sa Malabon City, Lunes ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naaresto na si Macario Algusar Jr., 46, suspended PSTMO personnel at residente ng No. 18 Kaunlaran St., Brgy, Muzon.
Sa imbestigasyon nina PSSg Diego Ngippol at PSSg Mardelio Osting, nakarating sa kaalaman nina Edwin Vizmanos at Lolito Gimoro, kapwa nasa hustong gulang at mga miyembro ng Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO) ng Malabon City na gumaganap na traffic enforcer habang nakasuot uniforme ng PSTMO si Algusar at nanghuhuli ng ilang truck sa kahabaan ng P. Aquino Letre. Brgy. Tonsuya.
Humingi ng tulong ang mga complainant sa mga tauhan ng Malabon Police Station Intelligance Section sa ilalim ng pamumuno ni PLT Arquillo Zoilo.
Kaagad namang rumesponde sa naturang lugar sina PSSg Jonathan Custodio at PCpl John Mark Donguines na nagresulta sa pagkakaaresto kay Algusar 12:00 ng madaling araw nang maaktuhan gumaganap bilang duty personnel ng PSTMO kung saan hindi siya karapat-dapat na gawin ito.
Narekober sa suspek ang isang booklet ng Ordinace Violation Receipt (OVR) kung saan nahaharap siya sa kasong Usurpation of Authority o Official Functions.