Advertisers

Advertisers

Huwag lang pansariling interes ng jeepney operators ang ipaglaban

0 258

Advertisers

WALA namang hindi nakakaalam na napakahirap ng buhay ng mga tsuper ng dyip mula nang atakehin ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 2019) noong Marso 2020 ang Pilipinas.

Ang totoo, salat sa buhay ang napakaraming tsuper ng pampublikong sasakyan, maliban sa mga drayber ng dyip, kahit noong wala pang pandemya ng COVID – 19 sa bansa.

Mayroong ilang tsuper na paminsan-minsan ay kumikita ng maganda dahil sa diskarte nila.



Ang totoong maganda ang buhay ay ang mga opereytor ng mga pampublikong transpportasyon dahil malaki ang boundery sa kanila ng kanilang mga drayber araw-araw.

Kaya, higit na malaki ang kita ng mga kapitalistang ‘yan kaysa kanilang mga tsuper.

Kapag tumataas ang presyo ng krudo, kita ng mga drayber ng mga pampublikong sasakyan ang nababawasan dahil sagot nila ang bayad sa krudo.

Hindi ibinababa o binabawasan ng opereytor ang boundery.

Pokaragat na ‘yan!



Ngayong tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo ay tinamaan ang kita ng mga tsuper, kasama na ang mga drayber ng dyip.

‘Yan ang ginamit na batayan ng paghingi ng mga samahan ng mga tsuper at opereytor ng dyip sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng tatlong pisong dagdag sa pamasahe sa dyip.

Ang dahilan ay kawawa na raw ang buhay ng mga tsuper, sabi ng mga jeepney operator nang makapanayam ng midya.

Totoong mahirap ang buhay ng mga tsuper.

Ngunit, ubod din naman ng hirap ang buhay ng mga mananakay dahil nagtatrbaho rin naman sila.

At ang mga nagtatrabahong ‘yan ay hindi tumaas ang sahod sa panahon ng pananalasa ng COVID – 19.

Marami sa mga kapitalista ay binawasan ang sahod ng kanilang mga manggagawa at empleyado.

Pookaragat na ‘yan!

Ang dahilan ay nalulugi raw sila o hindi kumikita habang umaatake ang COVID – 19.

Malapit na ang ikalawang taong anibersaryo ng paglusob ng COVID – 19 sa Pilipinas, ngunit hanggang ngayon ang sakit na ito ang ginagamit na palusot ng mga kapitalistang sagad-saring kontra-manggagawa upang bigyan ng katwiran at batayan ang kasalanan nila sa mga manggagawa.

Pokaragat na ‘yan!

Tapos, ito namang mga jeepney operator ay biglang isiningit at iginiit ang tatlong pisong umento sa pamasahe para raw mga kawawang tsuper.

Ginamit pang sangkalan ang mga tsuper upang lalong mabawasan ang kakarampot na kita ng mga mananakay.

Pokaragat na ‘yan!

Ngunit, kung sisipatin at susuriing maigi ay matutuklasang pansariling interes lang ng mga opereytor ang makikinabang sa panawagan nila sa LTFRB.

Dapat, maawa naman ang mga opereytor sa mga mananakay.

Dapat, pairalin nila ang mapagmalasakit at mapoagmahal na puso sa kapwa Filipino, lalo na sa mga mananakay na hindi maipagkakailang napakahirap din ng buhay tulad ng mga tsuper ng dyip.

Kaya, huwag pansariling interes ang ipaglaban ng mga opereytor ng dyip!