Advertisers
NAGPASIKLAB si Bryan Bagunas upang buhatin ang Oita Miyoshi laban sa makulit na Osaka Sakai,25-19,25-20,21-25,28-26, sa Japan V.League opener Sabado.
Bumalik sa laro matapos ang pagdurusa sa MCL injury sa final games sa nakalipas na season, Bagunas ay nagpasiklab sa unang laban sa third season ng Japan pro league, binuhat ang Weisse Adler laban sa Blazers sa Nippon Steel Sakai Gymnasium.
Umiskor si Bagunas ng 22 points on 17 attacks, four kill block at ace.
Venezuelan import Emerson Rodriguez tumipa ng 18 kills, at nagtapos ng 19 points,habang si Kota Yamada nagdagdag ng 16 markers kabilang ang apat na aces.
Sakai nakakuha ng 19 points sa Canadian import Sharone Vermon-Evans. Yuki Higuchi nagdagdag ng 12 points on eight attacks, three blocks at ace.
Samantala, Mark Espejo at FC Tokyo yumuko sa defending champion Suntory Sunbirds, 24-26,22-25,25-23,25-21,11-15, sa Sky Arena.
Tumipa si Espejo ng 12 points mula sa 10 kills at two aces sa kanyang FC Tokyo debut.Yuma Nagamoto umiskor ng 18 points,habang Norwegian import Jonas Kvalen bumakas ng 15 markers.