Advertisers
HINOSTAGE at pinatay ng anak ang kanyang sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mauanan, Rizal, Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Seferina Favor, habang nagtangka namang mag-suicide ang salaring anak na si Ferdinand, 40 anyos, walang trabaho at sinasabing mayroong problema sa pag-iisip.
Ayon sa mga rumespondeng pulis, pwersahan nilang binuksan ang nakakandadong bahay at nabungaran ang duguang katawan ng biktima. Nagsaksak naman sa sarili si Ferdinand nang makita ang mga operatiba.
Kaagad na isinugod sa Tuao District Hospital ang mag-ina subali’t dead on arrival (DoA) ang biktima, habang nagtamo lamang ng galos ang salarin.
Napag-alaman na pangatlong beses na nang-hostage ng kapamilya si Ferdinand.
Nasa kostudya ng pulisya si Ferdinand na halos wala na sa katinuan nang malaman na napatay niya ang kanyang ina. Sinampahan na ito ng kasong Parricide. (Rey Velasco)