Advertisers

Advertisers

Sulpicio Lines talo sa kaso

0 5,338

Advertisers

PANALO mang maituturing ang inihaing kaso ng mga kapamilya ng mga pasaherong nasawi sa paglubog ng barkong pag-aari ng SULPICIO LINES na naglayag sa kasagsagan ng bagyo noong taong 2008 ay matatagalan pa rin ang inaasam na pagsuko ng nagmamay-ari sa barko.

Nag-atas man ang CEBU REGIONAL TRIAL COURT na bayaran ng SULPICIO LINES ang mga kapamilya ng mga nasawi na umaabot ng mahigit sa P199 milyon ay siguradong mag-aapela pa ang nagmamay-ari ng barko sa pagbabakasakaling mabago pa ang naging hatol.

Ito ay matutulad sa 71 kaso na naihain sa REGIONAL TRIAL COURT OF MANILA na pagkatalo rin ang sinapit ng SULPICIO LINES.., subalit matatagalan pa rin ang mga pagdinig dahil umapela sa COURT OF APPEALS ang kampo ng SULPICIO LINES, na kung matatalo pa rin ay sa SUPREME COURT magpapatuloy ang kanilang labanan.



Gayunman, ang mga kapamilya ng mga nasawi na naging pasahero ng M/V PRINCESS OF THE STARS (pagmamay-ari ng Sulpicio Lines) ay hinde pababayaan ng PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) sa pangunguna ni CHIEF ATTY. PERSIDA ACOSTA hanggang sa makamit ang hustisyang hinahangad ng mga nasawi sa trahedyang naganap sa karagatang sakop ng SAN FERNANDO, ROMBLON dulot ng bagyong FRANK.

Ang kinakaharap na kaso ng SULPICIO LINES ay 71 kaso sa RTC MANILA BRANCH 51 at 55 kaso naman sa RTC CEBU BRANCH 16…, na bagama’t nagbaba na ng hatol ang korte pabor sa mga biktima ay matatagalan pa rin ang ipagtitiis at ipaghihintay ng mga kapamilya ng mga nasawi!

***

MAJOR MISTAKE ANG IKINASO KAY QC MAYOR BELMONTE

Tahasang ipinunto ni QUEZON CITY LEGAL OFFICER ORLANDO CASIMIRO na MAJOR MISTAKE ang ginawa ng COMPLAINANT laban kay QC MAYOR JOY BELMONTE na pagsasampa ng kasong PLUNDER at GRAFT sa OFFICE OF THE OMBUDSMAN.



Ang kasong isinampa ng TASK FORCE KASANAG ay ang kuwestiyonable umanong pagbili ng food packs na overpriced ng P108 milyon.., na bukod kay MAYOR BELMONTE ay kasamang kinasuhan din sina QC ACCOUNTING CHIEF RUBY MANANGU at ANGELICA SOLIS na representante ng LXS TRADING na pinagbilhan ng food packs.

“Since they followed every step of their 2010 election playbook, we knew that it was only a matter of time before some obscure group with no involvement at all to Quezon City would file plunder charges for dramatic effect. Recall that 11 years ago, this political camp did exactly the same thing against then-Mayor Herbert Bautista: first, they presented alleged evidence of wrongdoing to the media, then they created noise to prolong the story, and finally they ended with a plunder charge. Indeed, a snake can shed its skin, but its pattern remains the same,” pahayag ni ATTY. CASIMIRO.

Ipinunto pa ni CASIMIRO na ang mga diskarte ng traditional politicians o ang trapo-style ng pamumulitika ay hinde na umano pinapansin pa ng mga tao. Sawa na umano ang tao sa gayung sistema at hinde na nadadala ang mga QCitizen ngayon sa puro ingay dahil ang maiingay na lata ay yaong mga walang laman.

“We are confident that in a proper court of law, these cases will be exposed for exactly what they are: tools for distraction and black propaganda. The QC Government strictly adheres to all the provisions of RA 9184 or the Procurement Act, and in fact received the highest COA rating for the year 2020. We are positive that this complaint will be dismissed, and our names vindicated,” pagpupunto ni CASIMIRO.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.