Advertisers

Advertisers

P3m ismagel na sibuyas kumpiskado sa CDO

0 189

Advertisers

KINUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cagayan de Oro ang nasa dalawang container vans ng mga ismagel na sibuyas na nagkakahalaga ng P3 milyon galing China kungsaan idineklara itong “frozen malt”.

Ayon sa BOC, ang nasabing kontrabando ay naka-consigned sa South Road Consumer Goods Trading at dumating sa Mindanao Container Terminal (MCT) Sub-port sa Tagoloan, Misamis Oriental nitong Oktubre 15, 2021.

Isinailalim sa alerto ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS-CDO) ang nasabing kargamento makaraang makatanggap ng impormasyon na naglalaman ito ng mga ismagel na produkto.



Dahil dito, nagsagawa ng inspeksyon at 100% physical examnation ang mga tauhan ng BOC at nadiskubre ang saku-sakong ismagel na sibuyas. (Jocelyn Domenden)