Advertisers
NAGA CITY – Patay ang isang menor de edad at sugatan ang tatlong iba pa nang masanggi ng elf truck ang isang mini truck at tuluyan pang mabangga ang isang bahay sa Zone-4 Barangay Del Pilar, San Fernando Camarines Sur.
Kinilala ang binawian ng buhay na isang tatlong taon gulang na lalaki, habang ang mga sugatan ay isang limang taon gulang, isang 27 anyos, at Giraby Visaya, 26, ng nasabing lugar.
Ayon sa Camarines Sur Police Provincial Office, habang binabaybay ni Arthuro Valenzuela, 54, ng Canlapan St., Barangay-7, Batangas City, sakay ng minamaneho nitong mini truck nang aksidente itong masanggi ng kasalubong na elf truck na minamaneho ni Enrico Lacuin, 36, ng 45 Purok-1 National Road Tugos, Sorsogon City.
Napag-alaman na nag-overtake ang elf truck sa isa pang sasakyan na naging dahilan upang makain nito ang linya ng kasalubong nitong mini truck.
Dahil dito, nahulog sa gilid ng kalsada ang elf truck at nabangga pa ang bahay ng mga biktima na natutulog nang mangyari ang nasabing insidente.