Advertisers

Advertisers

2 patay, 6 sugatan sa aksidente sa Isabela

0 324

Advertisers

NASAWI ang driver ng isang kotse nang bumangga sa kasalubong na van sa national highway ng Barangay San Fernando, Alicia, Isabela, Linggo ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Alfredo Gumpal, 21 anyos, ng Barangay Linglingay, Alicia.

Sa ulat, patungong hilagang direksyon ang kotse nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang napunta sa kabilang linya kaya nabangga ang van.



Naisugod pa sa ospital si Gumpal na nagtamo ng malalang sugat sa katawan, pero idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

Sugatan naman ang 6 sakay ng van kabilang ang driver na si Raffy Tabalanza, 30, taga-Pasay City.

Samantala, nasawi rin ang isang motorcycle rider sa aksidente sa national highway ng Baranggay Sillawit, Cauayan City, 6:00 ng gabi noong Linggo rin.

Ayon sa pulis, nabangga ng motorsiklo na minamaneho ni Darius Madamba, 40, ang poste ng bakod nang mag-overtake sa sinusundang SUV.

Susunduin sana ng biktima ang kaniyang misis na nagtatrabaho sa Santiago City nang mangyari ang aksidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">