Advertisers

Advertisers

Alam nyo na guys ha? Ivana bet mapangasawa ng hasyendero

0 239

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA kanyang vlog, ipinasilip ng pantasya ng bayan na si Ivana Alawi ang kanyang epic vacation kasama ang kanyang pamilya sa The Farm sa San Benito sa Batangas.

Aniya, ngayon lang daw sila nakalabas ng kanyang pamilya simula nang mag-lockdown at pinili nilang doon magbakasyon dahil safe raw dun.



Naging kunsiderasyon din daw sa pagpili ng nasabing lugar ang situwasyon ng younger sister na si Mona na isang immune-compromised.

Umani naman ng papuri sa netizens ang pagiging maalaga at mapagmahal ng sexy actress at vlogger pagdating sa kanyang ina at mga kapatid.

“Ngayon lang kami makakapag-vlog with my family going out of town. Kasi lagi kaming nasa bahay. Nasa cr, nasa kusina, nasa labas ng bahay pero bahay pa rin. So this time it’s different, we are in Batangas,” ani Ivana.

Sa kanyang video, sinabi rin ni Ivana kung ano ang hinahanap niya sa isang lalake.

Kung mag-aasawa raw siya, bet daw niya iyong lalakeng merong property sa probinsya.



“Pag ako nagka jowa gusto ko nakatira ako sa ganito. ‘Yung puro forest,” bulalas niya. “So guys sa future husband ko, sana may naka-ready ka nang province. Kahit kubo lang tapos ano, puro halaman masaya na ako doon,” dugtong niya.

Hindi naman naawat ang netizens sa pagkomento sa kanyang naging rebelasyon.

Ngayon namang nag-surface ang video ng closeness nila ni Marco Gumabao, may humirit na netizens na kung hasyendero ang bet nito, hindi papasa ang Viva artist.

Kung sakali, itsapuwera rin sa eksena ang crush nitong si Joshua Garcia dahil lumalabas na mataas pala ang standards nito.

Hindi man direktang inamin, bet daw pala niya ay isang hasyendero, o kung probinsyano man ay merong maipagmamalaking property.

Hirit naman ng iba, wala raw namang masama kung hangarin ni Ivana ang kumportableng  buhay dahil kahit papaano ay galing din ito sa well-off family.