Advertisers

Advertisers

Bongbong Marcos, wagi sa online poll

0 315

Advertisers

Runaway winner si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa online poll ng Manila Bulletin para sa mga kandidatong pagka-pangulo ng bansa.

Ginawa ng Manila Bulletin ang survey noong October 15 hanggang 17, 2021 sa official website ng dyaryo sa Facebook at Twitter.

Nabatid na mula sa 892,800 respondents, nakakuha si Marcos ng 71 porsyento o 635,079 na boto.



Nasa ikalawang puwesto naman s si Vice President Leni Robredo na may 25 porsyento o 225,580 na boto.

Nakakuha naman ng tig-4 porsyento sina Manila Mayor Isko Moreno, Senators Ronald “Bato” dela Rosa, Emmanuel “Manny” Pacquiao at Panfilo “Ping” Lacson.

Matatandaang nagsagawa rin ng kaparehong online poll ang Rappler kung saan nanguna rin si Marcos matapos makakuha ng 54 porsyento kumpara sa 42 porsyento na nakuha ni Robredo.

MGA KALSADA SA BANSA MASAMA ANG LAGAY AYON KAY SEN. IMEE MARCOS

Samantala sa deliberasyon ng P686.1 billion 2022 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH), inusisa ni Senator Imee Marcos ang kondisyon ng mga kalsada sa bansa.



Binanggit niya na base sa ulat ng World Bank, 43.79 porsiyento o 33,120 kilometro lamang ng mga kalsada ang bansa ang masasabing maayos ang kondisyon.

Ang datos ay galing din sa kagawaran, sabi ni Marcos.

Inusisa ang DPWH sa plano sa plano sa mga kalsada sabay giit nito na sa halip na bumuti ay tila pasama pa nang pasama ang mga ito.

Sinabi naman ni DPWH Usec. Ma. Catalina Cabral ang responsibilidad nila ay sa mga national roads lamang at ang mga kondisyon ng mga kalsada ay sumasama dahil sa paggamit at kalamidad.

Pagtitiyak naman niya na may mga programa at plano ang kagawaran para sa maintenance and improvement ng mga kalsada.

Subaybayan!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!