Advertisers

Advertisers

5th gear

0 408

Advertisers

LIMANG (5) taon na ang itinatag at binuong Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na pangunahing layunin ay bigyan proteksiyon ang buhay, seguridad at kalayaan ng lahat ng mamamahayag sa Pilipinas.

Ito ay isa lamang sa mga pamanang iiwan sa atin ni Pangulong Duterte nang binuo niya ang PTFoMS noong 2016 na kauna-unahan sa buong mundo, ang magkaroon ng “inter-agency task force” na tututok at kaagapay ng media upang labanan ang anumang karahasan, pananakot at pagsupil sa malayang pamamahayag.

Tinaguriang “whole of goverment approach” ang pagsama-sama ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan ang naging tatak ng Administrasyong Duterte upang tugunan ang mga sektor na laging nasa panganib, humaharap sa panganib, at naglilingkod kaakibat ang panganib.



Pinalad ang inyong lingkod na pamunuan ang PTFoMS bilang Executive Director nito. At sa nakaraang limang taon, masasabi kong natugunan naman ng task force ang pangunahing tungkulin nito na tutukan at panglagaan ang seguridad ng lahat ng bahagi ng sector ng media.

Sa loob ng limang taon na ito, nakapagtala tayo ng 51 kaso ng ‘media killing’ na nabigyan ng “guilty verdict’ o nahatulan ang may mga kagagawan nito sa loob ng 187 kaso na binabantayan ng PTFoMS, na ang ibang kaso ay nangyari pa noong panahon ng namayapang pangulong Corazon Aquino. Nagresulta ito sa 68 na mamamatay tao o mga suspek sa pagpatay sa mga media na mahatulan ng korte upang maparushan. 56 sa mga kasong ito ay tinuturing na ‘closed case’ o nalutas na.

Bunga ng ginawang ito ni Pangulong Duterte, nabawasan ang bilang ng mga media na napapatay kumpara sa dalawang administrayong nagdaan, na kinakitaan ng walang habas na pagpaslang sa mga mamahayag, gaya ng Ampatuan Massacre na nangyari sa panahon ni Gloria Macapagal Arroyo kung saan 82 pang media ang naitalang napatay. Di hamak ding mas mababa sa panahon ni Pangulong Duterte ang 40 biktima ng pagpatay sa media na naitala sa panahon ng namayapa na ring Nonoy Aquino.

Nagawa rin ng PTFoMS na makapag-sampa ng 15 kaso sa hukuman laban sa mga nakagawa ng karahasan sa mga miyembro ng media, nakapag-paaresto ng siyam na mga suspek at nakapag-paimbestiga ng pitong kaso pa, kasama ang ibang ahensiya ng pamahalaan na kaagapay ng task force, tulad ng Department of Justice (DoJ) kung saan ang kalihim nitong si Secretary Menardo Guevarra ay umuupo ring ‘Co-Chairman ng PTFoMS, ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

80 kaso pa ng mga inilapit ng ibang mamamahayag na nakaranas ng pananakot ay agad naaksiyunan, naalalayan o naresolba ng task force. At sa mga ganitong kaso, ang mga media na tinatakot ay binibigyan natin agad ng 24-oras na seguridad.



Ilan lamang yan sa tungkuling ginagampanan ng PTFoMS mula ng itatag ito ni Pangulong Duterte sa kauna-unahan niyang kautusan o ‘Administrative Order’ magmula nang siya ay mahalal na Pangulo ng bansa. Ang pagpapahalaga ng Pangulo sa itinuturing na pang-apat na sangay ng lipunan o Fourth Estate o ng media ang nagbunsod na kanyang gawing institusyon ang paglalaan ng task force upang bantayan at protektahan ang hanay ng mga mamamahayag.

Yan ay isa sa kanyang pamana na di natin makakalimutan, dahil hangad lamang ng Pangulo na pangalagaan ang katiwasayan na ating nararanasan sa ilalim ng demokratikong lipunan.

“The task force plays a crucial role in safeguarding press freedom that is vital in a nation’s vibrant democracy. It also helps ensure that the rights and welfare of the press are well protected and upheld,” ang pahayag ng Pangulo sa aming ika-limang anibersaryo.

Ito rin daw ang nagtutulak sa kanila, upang pangunahan ang kampanya ni Inday Sara para maging pangulo ng bansa. Magka-totoo kaya ang hula? Abangan!