Advertisers

Advertisers

2 lalaki naaktuhang nag-aabutan ng droga

0 219

Advertisers

Kalaboso ang dalawang lalaki nang matiyempuhan ng mga awtoridad habang nag-aabutan ng ilegal na droga, habang nagsasagawa ng operasyon laban sa ilegal na sugal sa Brgy. Mauway, Mandaluyong City nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Clark Einz Magno Renato, 23; at Norberto Adarle Reyes Jr., 35, kapwa residente ng naturang barangay.

Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, 7:45 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa kahabaan ng M. Cruz St., sa Brgy. Mauway.



Nauna rito, nagtungo umano sa naturang lugar sina PMSg Leonard Sebial at Ex-O Gerald Candelario upang magsagawa ng balidasyon hinggil sa natanggap na tip na may illegal gambling activities na nagaganap doon.

Dito nila natiyempuhan ang grupo ng mga suspek habang nag-aabutan ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, kaya’t kaagad na inaresto ang mga ito ngunit nakatakas naman ang ilan pa nilang kasamahan.

Bukod sa ilegal na droga, nakarekober rin naman ang mga arresting officers mula sa short ni Renato ng isang patalim kaya’t nadagdagan ang mga kasong kanilang kinakaharap.

Kapwa nakapiit ang mga suspek at sasampahan sa piskalya ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Batas Pambansa 6.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">